Agad na lumingon si Dylan sa kanyang kinauupuan at tama ang kanyang hinala. Ang matagal na niyang hinihintay na makita muli nasa kanyang likuran na. “Kaloy!” sigaw ni Dylan. Mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo palapit si Dylan kay Kaloy. Agad niya itong niyakap. “Buti ligtas ka. Alalang-alala ako sayo..” maiyak-iyak na sabi ni Dylan. Natawa naman si Kaloy sa nasabi ni Dylan. “Natural ligtas ako. Nasa bartolina lang naman ako ahh..” si Kaloy na nakuha pang mag-biro. “Bakit mo ba kasi ginawa iyon?” si Dylan.
“Para iligtas ka..” ang tanging sagot ni Kaloy.
----------
Biglang bumagal ang mundo ni Dylan nang marinig ang sagot ni Kaloy. "Tama ba ang narinig ko?" tanong ni Dylan sa kanyang sarili. Para iligtas ako. "Bakit ako ililigtas ni Kaloy?" sunud-sunod na tanong ni Dylan. "Ililigtas nya ba ako sa kamay ni Raymundo?" tanong rin ni Dylan sa kanyang isip. Ililigtas nya ba ako sa muntikang pag-gahasa sa kanya ng hepe. Marahang napatingin si Dylan sa mga mata ni Kaloy. Nangungusap iyon. Tagong napangiti si Dylan. May kiliti siyang naramdaman sa kanyang kalooban. "Iligtas ako? Kanino? Saan?" tanong ni Dylan kay Kaloy.
"Kagabi kasi, naalimpungatan ako. Wala ka sa kama mo.." simula ni Kaloy. "Agad akong bumangon para hanapin ka at baka pinagtripan ka na naman ng mga luko-loko.." dagdag ng binata. "Nakita ko hinihila ka ni Raymundo papalabas ng selda. Saktong pumasok yung dalawang bantay. Kaya sinunggaban ko na.." patuloy ni Kaloy. "Baka kung mapaano ka. Nag-aalala..." si Kaloy ngunit hindi na niya natapos ang sasabihin dahil biglang lumapit si Dylan sa kanya at yumakap ito ng mahigpit. "Thank you, Kaloy.." tanging sambit ni Dylan. Sinagot ni Kaloy ang mainit na yakap ng ka-selda niya. Mainit. Marubdob. "Huwag kang lalayo sa akin simula ngayon..." si Kaloy na lalong pinalapit ang katawan ni Dylan sa kanyang katawan. Masarap sa pakiramdam. Sa unang pagkakataon, nakaramdam si Dylan ng kapayapaan. Sa mga bisig ni Kaloy.
Marahang tinango ni Kaloy ang mukha ni Dylan at marahang inilapit ang kanyang mukha sa kaharap. Nagtagpo ang mga labi ng dalawang preso. Dumampi ang mapupulang labi ni Kaloy sa nanabik na labi ni Dylan. Napapikit si Dylan. Ito ang matagal na niyang hinahanap kapalit sa lahat ng nangyari sa kanya, sa kaibigan nyang si Lester at sa nobyong si Von. Tumulo ang kanyang luha mula sa gilid ng kanyang mga mata. Patuloy ang paghalik ni Kaloy sa labi ni Dylan. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya kay Dylan. Tila ba ayaw na niyang pakawalan ito sa kanyang piling. Ilang minuto rin ang halikan ng dalawang binata. Tila ba ayaw na matapos ang mga sandaling iyon. "Nahuhulog na ako.." biglang sambit na pabulong ni Dylan na bumasag sa pagniniig ng kanilang mga labi.
Napatigil si Kaloy sa paghalik sa kapareha nang marinig niya ang sinabi ni Dylan. Hinawakan ni Kaloy gamit ang dalawa niyang kamay ang mukha ni Dylan. Unang pagkakataon mahawakan ni Kaloy ang mukha ni Dylan. Ramdam ni Dylan ang init ng mga palad ni Kaloy. May kagaspangan na ang mga iyon. Pero lalaking-lalaki ang dating. Inangat ni Kaloy ang mukha ni Dylan. Napangiti si Kaloy nang mamasdan niya ang buong mukha ni Dylan. Maamo kahit na may tumutubo nang bigote at balbas. Napakagat sa kanyang labi si Dylan. Napakagwapo talaga ni Kaloy lalo na kung ngumingiti ito na labas ang mga ngipin. Muling nagtama ang mga mata ng dalawa. Nangingislap. Nangungusap. May mga gustong sabihin. "Dylan.." simula ni Kaloy. "I think I love.." patuloy ni Kaloy nang biglang may nagbukas ng pinto sa chapel.
"Kaloy, Dylan. Kanina ko pa kayo hinahanap.." sambit ni Tikboy. Nagulat ang dalawa na agad nagbitiw mula sa kanilang pwesto. Biglang namula ang pisngi ni Dylan. Pinagpawisan siya. Mabilis pa rin ang kanyang tibok ng puso. Natatawang sumagot si Kaloy habang papalapit sa ka-selda, "Ikaw talaga, Tikboy! Wala ka talaga sa huwisyo e. Bad timing ka palagi.." Napangiti naman si Dylan sa reaction ni Kaloy. Lumapit na rin si Dylan sa dalawa. Pilit na umakbay si Tikboy sa dalawa. Napatingkayad pa siya dahil sa tangkad ng mga kasama niya sa preso. "Sorry na. Pinapatawag kayo ni Mang Tonyo dahil magtatanghalian na. Ano bang meron kanina?" usisa ni Tikboy sa dalawa sabay tingin kina Dylan at Kaloy na tila ba ineeksamin kung magsasabi ng totoo o hindi. "Wala!!!" sabay na sagot ni Dylan at Kaloy. Lumabas na ang tatlo at dumiretso na sa silid-kainan ng mga preso.
"Saging ko?" alok ni Kaloy kay Dylan pagkaupo nila matapos makakuha ng pagkain. Napangiti naman si Dylan sa trato ni Kaloy sa kanya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Noong isang araw lang ay dinig niya ang pagtatalo ni Kaloy at Gino. Nagbanta pa si Gino na layuan niya si Kaloy dahil magiging panakip-butas lang siya nito. Panakip-butas. Masakit pakinggan pero sa isip ni Dylan ay ayos lang ito kung ganuon magsisimula ang kanilang relasyon ni Kaloy. Biglang naisip niya rin si Von, ang dati niyang kasintahan. Ang dahilan kung bakit siya narito. Kung bakit niya nakilala si Kaloy. Handa na ba niyang palitan ang una niyang pag-ibig. Handa na ba siyang sumabak muli sa isang relasyon. Hindi man nila nasabi ng diretso ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa. Ramdam niya ito. Lalo na kapag sila lamang dalawa. "Dylan, okay ka lang ba? Sawa ka na ba sa saging ko?" pabirong tanong ni Kaloy na para bang nanlalambing sa katabi. Natauhan si Dylan mula sa kanyang malalim na pag-iisip at inabot ang saging ni Kaloy. "Kakainin ko ito mamayang gabi.." mapanuksong sagot ni Dylan na naging rason nang pagpula ng mga pisngi ni Kaloy. "Uuuuuuy! Anong meron? Bumabait ka, pareng Kaloy ah. Parang nagkakamabutihan na kayo.." singit ni Erwin na kanina pa tinitignan ang dalawa. "Loko-loko ka talaga, Win.." sagot naman ni Kaloy sa ka-selda.
Alas-kwatro na ng hapon. May laro ng basketball sa court. "Dylan, manunuod ka ba ng laro nila Boyong?" tanong ni Erwin habang pababa mula sa kanyang kama na nasa itaas ng double deck. "Hindi ko sigurado e.." sagot ni Dylan. Nilingon niya ang kabilang kama kung nasaan naruon si Kaloy. Mahimbing na natutulog. Panigurado pagod ito sa buong gabi na nasa bartolina siya. "Hala ka! Nangako ka kay Boyong nuong isang araw, diba? Hahanapin ka panigurado nun.." sagot ni Erwin na umupo na rin sa kama ni Dylan. Naalala niya nga ang kanyang pangako kay Boyong matapos siyang iligtas sa kamay ng mga nagtangkang gumahasa sa kanya nuong isang gabi. "Okay. Okay. Sasamahan na kita..." sabi ni Dylan.
Hindi nga siya nagkamali. Maraming preso ang nanunuod sa court. Agad na sinalubong ni Boyong sina Dylan at Erwin nang makita niya ang dalawa. "Mabuti naman nakapunta kayo ngayon. Siguradong gaganahan akong mag-laro neto.." si Boyong habang nagmamaniobra kung paano siya magshoot ng bola. Natawa naman si Dylan habang si Erwin naman ay hangang-hanga sa ginagawa ni Boyong na pagfleflex. Walang suot na pang-itaas ang team nila Boyong kung kaya't kitang-kita ang pagkamaskulado ni Boyong. Ang namumutok na biceps dala na rin sa pagbubuhat sa loob ng piitan. Prominente rin ang masel nito sa tiyan. Mula sa pag-sisit ups. Moreno ito. Wala mashadong buhok sa katawan. Masasabi na natin na mas makinis siya kumpara sa ibang preso. Ang mala-tsokolateng utong nito ay hindi rin magapapahuli. Semikal ang buhok. Hindi kagwapuhan. Ngunit hindi naman kapangitan. Average kumbaga. Lalaking-lalaki. Nasa 5'10 siguro ang tangkad nito kung kaya agaw-pansin rin ang itsura niya. Mabait naman si Boyong na napatunayan ni Dylan nang isalba siya sa mga katropa niyang halang ang kaluluwa. Ngunit, malibog. Sobra.
"Galingan niyo ah.." bati ni Dylan sabay hila na sa kanina pa titig na titig na si Erwin. Alam na ni Dylan na pumapatol si Erwin sa lalaki. Napanuod niya kagabi sa banyo. Kasama ang isa sa mga kaibigan ni Boyong, si Jojo. "Oh dito may upuan.." sambit ni Erwin sa kasama. "Win, close ba kayo ni Jojo?" paunang tanong ni Dylan sa kaselda. "Ah-eh. Sakto lang. Bakit mo natanong?" sagot ni Erwin. "Diba isa siya sa mga muntikan gumahasa sa akin nung isang gabi.." direktang sagot ni Dylan. "Ah. Eh. Halos lahat naman dito sa loob gusto kang tikman. Takot lang sila kay Boyong. O kay Kaloy.." natatawang sagot ni Erwin. "Nakita ko kayo kagabi. Magkasama kayo sa banyo.." si Dylan. Halatang natigilan si Erwin nang marining ang mga sinabi ni Dylan. Kahit maingay sa kantiyawan, sigawan, murahan ang mga nanunuod ay rinig na rinig ni Erwin iyon. Nagiba ang itsura ni Erwin. Mula sa masayahin at palabirong ekspresyon nang mukha ay napalitan iyon nang isang tigre na handang sumugod sa kalabang hayop na gustong sumakop sa kanyang teritoryo.
"Ahhhh. May pinagusapan lang kame. Nakisuyo ako sa kanya na siya muna ang maglinis ng banyo kapag toka ko na.." pagsisinungaling ni Erwin. "Okay. Sana hindi mo ikapahamak yan. Baka mahuli kayo. Lalo na ang kausap mo si Jojo. May kapalit yan panigurado.." babala ni Dylan sa kasama. "Ano bang pakielam mo?!" biglang taas ng tono na sambit ni Erwin. "Bago ka lang dito kung makaasta ka.." dagdag pa nito. Nagulat si Dylan sa tugon ni Erwin. "Win, teka lang. Hindi ako nakikipagaway. Ang sa akin lang ay mahirap kausap si Jojo. Tignan mo nga pati si Boyong kinalaban niya.." si Dylan. "Alam mo, hindi mo pa sila kilala. Dahil ayaw mo silang kilalanin. Ang tingin mo sa amin rito ay puro halang ang kaluluwa. Na papatayin ka.." singhal ni Erwin. "Alam mo nung dumating ka. Lahat na ng atensyon na sa iyo! Atensyon ni Boyong, ni Chip Raymundo, ni Marquez! Lahat sila..." galit ngunit mahinang litanya ni Erwin. Pero kahit mahina iyon ay rinig pa rin iyon ni Dylan sa kabila nang ingay ng mga nanunuod sa laro. "Erwin, hindi ko maintindihan. Hindi ko naman ginusto yun! Hindi ko ginusto na babuyin nila ako. Sana nga hindi na lang nila ako mapansin. Ayoko ng atensyon nila.." nagsimula na mamuo ang luha sa mga mata ni Dylan.
Napatigil si Erwin sa mga sagot na narinig mula kay Dylan. Ang kaninang nag-aapoy na inis sa kaselda ay unti-unting nauupos. "Alam mo ba kung sino ang may dahilan kung bakit ako nandito?" dagdag ni Dylan na ngayon ay nakayuko na. Ayaw niyang mapansin siya ng iba na naluluha. Masaya ang paligid. Masigla. "Ang matalik ko lang naman na kaibigan at ang taong una kong minahal. Sila yung inaakala kong magtatanggol sa akin, magproprotekta. Pero mali ako. Niloko nila ako. Iniwan nila ako. Pinabayaan nila ako rito..." sunod-sunod na ang paglalabas ng sama ng loob ni Dylan kay Erwin. "Pero ano ngayon hindi ko na inintindi iyon kasi minahal ko sila. Kapalit ng kalayaan ko.." si Dylan na hindi na mapigilan ang pagluha. Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan. Naglakad siya pabalik sa loob ng building. Payuko. Ayaw niyang may makakita sa kanya. "Dylan.... Sorry.." si Erwin na ngayon ay nahimasmasan na. Dumiretso si Dylan sa kanilang selda. Wala ruon ang mga kasama niya. Duon nilabas niya lahat ng sama na kaniyang nararamdaman kanina pa. Ang inaakala niya kaibigan dito sa looban ay may sama rin ng loob sa kanya.
Naalimpungatan si Dylan nang may maramdaman na kamay na gumagapang sa kanyang tagiliran. Nakaharap kasi siya sa pader kaya hindi niya maaninag ang tao na nasa kanyang likuran. Madilim na ang paligid nang imulat niya ang kanyang mata. Tanging ilaw na lamang sa hallway ng mga selda ang bukas. Isang bumbilya lamang iyon. Nakatulog pala siya matapos niyang umiyak kaninang hapon. Ramdam ni Dylan ang muling pag-gapang ng kamay ng lalaki papunta sa kanyang dibdib. Mukhang tinatantya ng lalaki ang kanyang mga kilos upang hindi siya magising. Hindi makakilos si Dylan. Pinakikiramdaman niya kung panaginip ba ito o realidad. Napagtanto lang niya na totoong may tumatabi sa kanya mula sa kanyang likuran nang maramdaman niya ang paghinga ng lalaki sa kanyang batok. Dumikit na ang katawan ng lalaki sa kanyang katawan. Mainit sa pakiramdam. Napansin ni Dylan na matangkad ang lalaki na tumabi sa kanya kasi lagpas sa kanyang higaan ang paa nito. "Sino k---" ang tangkang pagtanong ni Dylan ngunit mas mabilis ang lalaki na matakpan ang bibig ni Dylan. "Shhhh.." saad ng lalaki. Mas humigpit ang yakap nito dahil alam niyang babalikwas si Dylan.
"Huwag kang maingay.." bulong ng lalaki sa bandang tainga ni Dylan. Mainit. Nakakakilabot. Hindi sa nakakatakot na paraan. Parang may dumaloy na kuryente mula sa parte ng kanyang tenga papunta sa buong katawan ni Dylan. Masarap sa pakiramdam. Ngunit hindi pa rin nagpadala si Dylan sa kanyang nararamdaman. Gusto niyang makilala kung sino ang nasa kanyang likuran. "Uhmmm.. Uhmmm" pilit na gumagawa ng ingay si Dylan. May gusto siyang sabihin ngunit natatakpan ang kanyang bibig ng mga palad ng lalaki. May kakaibang init ang palad ng lalaki. Sakto lang ang gaspang. Pero mahahaba ang mga daliri. "Shhhhhhh. Huwag ka maingay magigising sila..." mahinang bulong ng lalaki. Dahil sa gustong makawala ni Dylan mula sa lalaki ay sinubukan niyang iikot ang kanyang katawan paharap sa katabi. Ngunit mas mailap ang lalaki at agad na niyakap ng mga binti nito ang katawan ni Dylan. Mabigat iyon. Ramdam ni Dylan na suot lang ng lalaki ang manipis na shorts. Ramdam niya na tila ba na may tumutusok sa kanyang likuran. Hindi pa ganun katigas. Pero may ipagmamayabang na.
"Shh. Shh. Shh. Sabi huwag kang magulo e.." ang lalaki sabay kagat sa bandang tenga ni Dylan. Inilabas ng lalaki ang kanyang dila at marahang pinasok sa butas ng kanyang tenga. Muling dumaloy ang munting boltahe sa kanyang buong katawan. Mula sa butas ng kanyang tenga ay gumalaw ito pababa sa earlobe ni Dylan. Kinagat-kagat niya ito. Marahan ang pagkagat. "Nasaan ba si Kaloy? Si Mang Tonyo? Sina Erwin at Tikboy? Bakit ayaw nila magising?" sa isip ni Dylan. Huminahon si Dylan at pinabayaan lang ang ginagawa ng lalaki sa kanya. Hahanap siya ng tiyempo para makawala. Sa ngayon kasi ay mahigpit pa rin ang yakap ng lalaki sa kanyang katawan habang ang isang palad nito ay nakatakip sa kanyang bibig. Nakapalupot rin ang mga binti nito sa kanyang mga binti. Patuloy ang pagkagat ng lalaki sa kanyang tainga. Napahinga si Dylan ng malalim. Parang naeenjoy na rin niya ang ginagawa ng lalaki. Matagal na siyang walang romansa na tulad nito.
Flashback
"Oh magkaaway pa rin kayo ni Lester?" bungad ni Von kay Dylan. Nakahiga si Dylan sa kama ng kanyang nobyo na kakagaling lang sa basketball tournament. Inamin na kasi ni Dylan sa kanyang bestfriend na si Lester na sinagot na niya si Von habang nananghalian sila. "Hindi ko kasi siya maintindihan. Bakit biglang naging cold yung treatment niya sa akin after lunch? Dahil ba hindi namin na-perfect yung Anatomy exam?" si Dylan na ngayon ay humarap kay Von. Hubad na ang suot nitong jersey. Tanging ang puting briefs at mahabang medyas na lamang suot ng binata. Lantad ang malapad nitong dibdib na may kakaunting buhok. Ang mga namumuong mala-pandesal sa tiyan na may konting buhok pababa sa kanyang pusod na nakarugtong pababa sa garter ng briefs nito. Napangiti si Dylan sa kanyang namasdan. Napakaswerte niya talaga at na-inlove sa kanya ang isa sa mga pinakapinagtitilian sa kanilang unibersidad. "Hayaan mo na si Lester. Alam mo naman yun perfectionist.." sagot ni Von sabay lumapit sa nobyo. Akmang papatong sana si Von sa kanyang nobyo ngunit napigilan iyon ni Dylan. "Oooops. Galing ka sa laro. Magshower ka muna.." natatawang utos ni Dylan. "Babe naman eh..." nanlalambing na sabi ni Von. "After mo mag-shower.." pang-aakit na sabi ni Dylan sabay halik sa mapupulang labi ng nobyo.
Walang nagawa si Von at tumayo muli. Ngunit bago siya pumasok sa banyo ay hinubad niya ang kanyang huling saplot sa harapan ni Dylan sabay hagis nito sa katawan ni Dylan. "Hindi ko ilolock yung pinto..." nangaakit na sabi ni Von sa nakatitig na nobyo. Matambok na pwet ang nasa harapan ni Dylan. Napakamot sa ulo si Dylan nang pumasok na ang nobyo sa banyo. Nasa dibdib niya parin ang briefs ni Von. Natatawang dinampot ni Dylan ang briefs at kanya itong inamoy. May kakaibang amoy ito. Hindi sa nakakadiri pero nakakataas ng libido. Lalaking-lalaki. Amoy ni Dylan ang amoy ng pagkalalaki ng nobyo. Napapikit siya at iniimagine ang itsura ni Von sa loob ng banyo. Hubo't hubad ang kanyang nobyo at nasa ilalim ng shower. Nag-init ang kanyang pakiramdam kahit na malakas ang AC sa kwarto ni Von. Agad siyang tumayo hinubad ang puting uniporme kasabay ng kanyang boxer briefs. Hubo't hubad siyang pumasok sa loob ng banyo. Hindi nga siya nagkamali. Nakangisi si Von na para bang iniimbitahan siyang sumalo sa kanyang pagligo. Hindi na rin nagpatumpik pa si Dylan at dumiretso na sya sa ilalim ng shower. Inabot niya ang labi ni Von na buong tinanggap naman nito. Maalab. Mainit. Dila sa dila. Nagsimula nang mabasa ang buong katawan ni Dylan. Mainit pa rin ang kanyang pakiramdam kahit nababasa na siya ng shower.
Naglakbay na ang dila ni Von. Mula sa bibig, sa pisngi, sa jaw line ni Dylan, at ngayon sa bandang tenga. Napakapit si Dylan sa malapad na balikat ni Von. Sumandal na rin siya sa pader ng banyo. Marahang kinagat-kagat ni Von ang tenga ni Dylan. Dumaloy ang kuryente mula sa dila ni Von sa kanyang katawan na pumunto sa kanyang alaga. Tigas na tigas na ang kanyang pagkalalaki. "Oooooh Von!" ungol ni Dylan. Bumaba si Von sa leeg ng nobyo. Kinagat-kagat. Sinipsip-sipsip. Dinidila-dilaan. "Ohhhhh shit! Ang sarraap!" si Dylan. Mula sa leeg ay bumaba si Von sa dibdib ng kapareha. Ang mga utong naman nito ang nilalaro ni Von. Pinatulis niya ang kanyang dila. Mabilis na pinagalaw. Inikot-ikot. Sabay sipsip sa utong. "Arrgh! Shit! Uhhhmmmmm!" ungol ni Dylan na napakapit lalo sa balikat ng nobyo. Itinaas ni Von ang mga braso ni Dylan sa ulo nito. Lantad ang basang buhok sa kilikili ni Dylan. Iyon naman ang kanyang nilantakan. Mula sa taas ng kanyang kilikili dinilaan ni Von pababa sa buhok sa kili-kili ni Dylan. Sinamyo nito ang amoy ng nobyo. Kinagat-kagat ni Von ang malambot na parte sa kili-kili ni Dylan. "Ahhhhhh!! Ohhhhh!!! Sige paaaahhh!" tuloy-tuloy na sabi ni Dylan na napapatingkayad na sa sarap na nadarama. Kakaibang romansa ang kanyang nalasap sa piling ng kanyang nobyo.
Dinikit na ni Von ang kanyang katawan sa nobyo at sinimulan ikiskis iyon sa katawan ni Dylan. Nagdikit na ang dalawang nagtitigasan espada ng mag-nobyo. Mabagal sa simula ang kiskisan hanggang mahanap nila ang ritmo na susundan nila. Napapikit si Von sa sarap ng nararamdaman. "Uhhhhmm babe! Ahhhhh!!" ungol ni Von sabay halik muli sa mga labi ni Dylan. Ilang minuto rin nagtagal ang romansahan ng dalawa at naramdaman na ni Dylan na malapit na siyang labasan. Mas napakapit na si Dylan sa mga braso ni Von habang si Von ay todo na ang pagkadyot sa harapan ni Dylan. "I'm cumming baby! Ayan na akoooooohh!" impit ni Dylan. "Akooohhh rin!" sabay ni Von. Ramdam nila ang pag-agos ng kanilang katas sa kanilang mga katawan kasabay ng pag-agos ng tubig mula sa shower. Hingal-kabayo ang dalawa. Mas matindi pa ito sa work-out. Humabol ng halik si Von sa mga labi ni Dylan. "I love you, babe.." saad nito. "Mahal rin kita, Von.." sagot ni Dylan.
Realidad.
Naramdaman na ni Dylan na hindi na ganun kahigpit ang pagkakayakap ng lalaki sa kanyang katawan. Mukhang nafocus na ito sa ginagawang romansa sa kanyang tenga at batok. Ito na ang tiyempo na hinihintay niya kanina pa. Isang mabilis na ikot ng kanyang katawan at malakas na tulak ang kanyang nagawa upang makaalpas sa pagkakayakap ng lalaki. Laking-gulat niya nang makita kung sino ang nasa kanyang likuran. "Anong ginagawa mo rito sa kama ko?" nagtatakang tanong ni Dylan...
Susundan.