Sunday, May 10, 2020
Sibakan Sa Selda part 14
Tinapos ni Kaloy ang kanyang pagtugtog ng piano. "Dylan Navarro, mahal kita. Mahal na mahal.." sunod na sabi ni Kaloy na lalong nagpaluha kay Dylan. Sumikip ang kanyang dibdib. Panigurado nagsisitalon ang mga daga sa kanyang puso. Sa saya. Sa galak. Nakangiting umiiyak si Dylan. Unang beses niya marinig ang mga salitang iyon mula kay Kaloy. Sa mga nakalipas na buwan ay hinihiling niya na marinig iyon kay Kaloy. "I love you. I love you too.." sagot ni Dylan sabay yakap sa katabi. Sinagot naman ito ni Kaloy ng isang mahigpit na yakap. Ngayon sigurado na siya. Kay Dylan.
------
Masayang lumabas ang dalawa mula sa chapel. Gusto niyang makita ng lahat na sa simula ngayon ay sa kanya lamang si Dylan. Inakbayan niya si Dylan habang papunta sila sa silid-kainan. Oras ng hapunan kasi na iyon. "Ano itatawag ko sa iyo? Mahal, Babes?" natatawang tanong ni Kaloy sa bagong kasintahan. "Ikaw talaga.." si Dylan sabay siko sa tagiliran ni Kaloy. "Pero parang gusto ko ng mahal.." nangingiting sagot ni Dylan. Naabutan nila ang mga kaselda na nakaupo na sa kanilang pwesto. "Ngiting-ngiti kayong dalawa ah?" nang-aasar na tanong ni Tikboy. "Uyyy, may umiyak kanina?" si Erwin sabay turo sa medyong namamaga na mata. "May ibabalita ba kayo sa amin?" si Mang Tonyo. Umakbay si Kaloy kay Dylan palapit sa kanyang katawan. Sa looban, kapag inakbayan ka ng isang preso at hindi ka pumalag ay tinatanggap mo na ikaw ay sa kanya mula sa araw na iyon. Nanlaki ang mga mata ng tatlong kaselda. "Talaga baaaaa?" naeexcite na tanong ni Erwin sa kaibigan. "Shhhh!!" si Dylan sa kaselda na nangingiti. "Kung ano man ang iniisip niyo ay tama kayo.." si Kaloy sabay akbay muli sa bagong kasintahan. Makikita sa kanyang mukha ang kasiyahan. Sa hindi kalayuan ay may mga matang nakamasid sa kanila. Mga matang nahaharangan ng namumuong luha. At may pusong nadudurog rin.
Ilang araw ang lumipas ay nakasalubong muli ni Gino si Kaloy. Nilagpasan lang siya ng dating nobyo. "Kaloy.." malambing na tawag ni Gino. Napalingon si Kaloy. "Oh, Gino.." bati nito sabay ngiti. Humawak si Gino sa braso ni Kaloy. Lumapat ang nilalamig niyang palad sa mainit na balat ni Kaloy. "Nailista na kita sa mga magpeperform sa outreach program sa susunod na Sabado ha.." saad ng binata. "Sige.." ngiting sabi ni Kaloy sabay talikod muli kay Gino. "Kaloy.." muling tawag niya. Tumigil si Kaloy ngunit hindi na siya lumingon. "M-m-mahal pa rin kita.." biglang bitaw ni Gino sa dating kasintahan. May minuto rin natigilan si Kaloy sa narinig. "Gino, pwede ba?" naiinis na sabi ni Kaloy nang mahimasmasan. Humarap muli si Kaloy sa dating kasintahan. Nakayuko ang dating kasintahan. "Please, please let me explain.." si Gino na ngayon ay nagmamakaawa na kay Kaloy upang pakinggan ang kanyang sasabihin. Nagsimulang bumuhos ang mga luha ni Gino. "Explain? Sana ginawa mo yan nung araw na nakipaghiwalay ka sa akin. Hindi ngayon. Okay na ako e.." matigas na sabi ni Kaloy. Ayaw na niyang magpadala sa pagmamakaawa ng dating nobyo. "Mahal ko si Dylan. Si Dylan ang nariyan nung umalis ka. Binasag mo ako na parang salamin. Pero pinulot niya ako kahit alam niyang pwede siyang masugatan. Siya ang bumuo sa akin nung winasak mo ako.." dagdag pa ni Kaloy.
"H-h-hindi pa ako h-h-handa sabihin lahat. P-pero ngayon bigyan mo ako ng pagkakataon.." hindi pa rin sumusuko si Gino. "Nung araw na hiniwalayan mo ako, nabigyan mo ba ako ng pagkakataon? Binigyan mo ba ako ng pagkakataon lumaban para sa atin?" litanya ni Kaloy. "P-patawarin mo ako.." si Gino na akmang yayakap sa dating nobyo. Ngunit umiwas si Kaloy at marahang tinulak palayo siya. "M-m-mahal pa rin kita. Mahal na mahal. H-h-hindi ko na kayang makita ka na may kasamang i-i-iba. Please Kaloy.." patuloy na pagmamakaawa ni Gino. "Sana inisip mo yan bago mo ako hinayaan.." si Kaloy na umiiling na. Tumalikod na muli si Kaloy ngunit muli siyang pinigilan ni Gino. Naaawa na siya sa itsura ng dati niyang nobyo. Naging parte naman kasi si Gino ng kanyang pagbabago sa kulungan. "H-h-hindi ko ginusto na iwan ka! Kelangan ko lang talaga.." si Gino. Inalis ni Kaloy ang pagkakahawak sa kanya ni Gino at tuluyan nang umalis sa lugar na iyon. Huli na ang lahat. Alam ni Gino yun. Ramdam niya.
"Mahal.." si Dylan nang mapansin na tahimik si Kaloy. Magkatabi sila ngayon gabi sa kanyang kama. "Wala ito, mahal. Magpahinga ka na.." si Kaloy sabay halik sa noo ng katabi. Iniisip pa rin ni Kaloy ang komprontasyon nila kanina ni Gino. "Kaloy, kung ano mang iyang gumugulo sa isip mo ngayon, nandito lang ako ha.." saad ni Dylan sabay yakap sa mainit na katawan ng nobyo. Naisip ni Kaloy na huwag na muna sasabihin ang nangyari kanina kay Dylan. Ayaw niya lumaki pa ang issue. Ayaw niya magkagulo sila ni Dylan lalo na ngayon na mas higit niyang minamahal ang kasintahan bawat araw na lumilipas. Sigurado na siya kay Dylan. Mahal niya ito. Mahal na mahal. Muling hinagkan ni Kaloy ang bumbunan ni Dylan. "Mahal kita.." bulong ni Kaloy sa katabi. Mag-hahating-gabi na at hindi pa rin makatulog si Dylan pero heto siya ngayon at nagpapanggap na natutulog sa bisig ni Kaloy. Nararamdaman niya na may gumugulo sa isipan ng nobyo. Ayaw niya lamang pilitin ito na magkwento lalo na kung hindi pa ito handa. Hinigpitan ni Dylan ang pagkakayakap niya sa katabi. Gusto niya na maramdaman ni Kaloy na nariyan lamang siya kung kailangan siya nito. Saktong-sakto sa malamig na gabi.
"Okay.. Bukas i-finalize na natin ang mga ipeperform niyo.." simula ni Gino sa mga preso na kasali sa outreach program. "Yes, Brother Gino.." sabay-sabay na sagot ng mga presong kasali. Kasama na ruon sina Kaloy at Dylan. Isa sa mga volunteer ng production staff si Dylan habang si Kaloy naman ay kasali sa magpeperform sa outreach. Kasama siya sa mga kakanta at tutugtog. "Pero please make sure na nagprapractice pa rin tayo.." paalala pa ni Gino sa mga kasama. "Yes, brother.." sagot muli ng mga preso. "Sige, after ng lunch, pumunta po ulit tayo rito para makapagpractice. Kapag may mga tanong kayo, huwag mahiya lumapit.." si Gino sabay ngiti sa mga nakikinig. Nang mabaling ang kanyang paningin sa isang banda. Saktong-sakto na bumulong si Kaloy sa kanyang katabi na nagpangiti naman kay Dylan. Ang mga ngiti sa kanyang labi ay napalitan ng pilit na ngiti. Nadudurog ang kanyang puso dahil sa namamasdan niyang muli na magkasama ang dating nobyo at ang bago nito. Halatang magkahawak ang mga kamay ng dalawa. Huminga ng malalim si Gino. Masakit sa dibdib. Parang naninikip. Hindi pwede sa harapan ng maraming tao. Hindi pwede sa harapan ng magkasintahan.
Nagsimula na mag-sanay ang mga preso sa mga performance nila. May mga sumasayaw, kumakanta. "Kaloy, tulungan ko lang sila dun sa pag-download ng mga kanta.." paalam ni Dylan sa nobyo. Kumindat si Kaloy sabay ngiti sa nobyo bilang pagsangayon nito at patuloy na tumugtog ng gitara. Kasama kasi siya sa banda na tutugtog sa outreach. Napangiti si Dylan at lumabas ng activity area. Dumiretso siya sa office nila Gino. Kumatok siya. Walang sumasagot. Marahan niyang pinihit ang door knob. "Fr. Jeff?" si Dylan nang sumilip siya sa loob ng kwarto. "Pasok. Nasa labas si Fr. Jeff.." saad ni Gino. "Ganun ba? Ako pala yung mag-aasikaso ng mga sounds. Kelangan ko lang ng computer, headset at usb.." paalam ni Dylan sa binata. "Sige, gamitin mo na lang ito. Tapos naman na ako.." si Gino sabay alis sa kanyang upuan. Ngumiti si Dylan at umupo na sa dating inuupuan ni Gino. Silang dalawa lamang ang nasa loob ng kwartong iyon. Nakakabinging katahimikan. Wala man lang sa kanila ang nagsasalita. Awkward silence.
"Tapos na ako.." si Dylan sabay abot sa dalawang usb. "Nagready na ako ng extra, just in case.." dagdag pa nito. "Salamat.." si Gino na walang reaksyon ang kanyang mukha. Ngumiti si Dylan sabay akmang lalabas na ng kwarto. "Teka lang, Dylan.." pigil ni Gino. Napatigil si Dylan at muling hinarap ang kasama. "K-k-kamusta si Kaloy?" malakas na loob na tanong ni Gino. Ngumiti muli si Dylan. "Masaya naman siya. Okay na siya.." sagot ni Dylan sa kausap. "M-m-mahal ko pa rin siya Dylan.." si Gino. Nagulat si Dylan sa mga naririnig niya kay Gino. Naguguluhan siya. Bakit niya sinasabi ito sa kanya ngayon? Bakit ngayon? Napayuko si Gino. "May cancer ako.." biglang bulalas ni Gino kay Dylan. Nanlaki ang mga mata niya.
Flashback.
"Babe?" ngiting salubong ni Kaloy sa kanyang nobyo. Agad na pumunta si Kaloy sa opisina nila Gino pagkarinig niyang dumating ito mula sa labas. Tatlong linggo rin siya walang balita sa nobyo kaya excited siyang makita ito. Mayakap. Mahagkan. Tumayo si Gino upang salubungin ang kasintahan. "How are you, babe?" salubong ni Gino sa bagong ligo na nobyo. Sandong puti at orange na shorts lamang ang suot nito. Napangiti si Gino sa namasdan. Ang mga tattoo nito sa braso at dibdib na bumagay sa kanyang mestisong balat. Bagong ahit ang buhok nito sa ulo kaya lumabas ang pagka-brusko nito. Mapupulang labi. Adam's apple na prominente. Dahil sa nagbubuhat rin si Kaloy sa kulungan ay naform ang kanyang dibdib at braso.
Umangkla si Gino sa batok ni Kaloy habang humawak ang kanyang nobyo sa kanyang bewang. "Babe, I have good news. Nakausap ko si daddy and matutulungan ka niya mapababa ang sentensya mo.." bungad ni Gino. "Really? Good news yan.." natutuwang sagot ni Kaloy. Hindi na niya napigilan ang sarili at hinagkan niya ang kanyang nobyo. Masiil. Ayaw paawat. Lumaban na rin si Gino sa paghalik ng kasintahan. Na-miss rin naman niya ito. Inilabas na ni Gino ang kanyang dila upang makapasok ito sa loob ng bibig ni Kaloy. Nalasahan niya ang matamis na laway ng kasintahan. Hindi nagpahuli si Kaloy at kanyang nilabanan ang mapusok na dila ng nobyo. "Uhmmm.." ungol ni Kaloy nang maramdaman niya ang paggapang ng kamay ni Gino sa kanyang dibdib. Hindi nga siya nagkamali at sa dalawang utong niya nagpunta ang mga palad ng nobyo. Nilamas-lamas ni Gino ang kanyang dibdib. Marahang nilapirot ang dalawang monggo bumabakat sa sando niyang suot. "Uhmmmm.." ungol muli ni Kaloy na patuloy pa rin sa paglaban sa halikan nila.
"Kaloy, kahit wala na ako dito. Asahan mo tutulungan pa rin kita.." sabi ni Gino nang makatakas ang kanyang bibig sa mga labi ng kasintahan. "I love you.." sagot lamang ni Kaloy at tinuloy halikan ang leeg ng nobyo. Amoy pabango. Nakakaadik. Nilasahan ni Kaloy ang balat ng kasintahan. Manamis-namis na medyo maalat. Nakakabaliw. "Ughhhh!" si Gino sabay hawak sa magkabilang balikat ni Kaloy. Patuloy na niromansa ni Kaloy ang leeg ni Gino. Habang ginagawa niya iyon ay marahan niyang tinatanggal ang pagkabutones ng suot nitong polo. Unti-unti rin lumantad kay Kaloy ang makinis na dibdib ng nobyo. Napangiti siya. Mula sa leeg ay dinilaan pababa ni Kaloy ang katawan ni Gino hanggang umabot siya sa pusod nito. Napaupo si Gino sa lamesa. Dinilaan ni Kaloy ang mumunting balahibo sa bandang pusod ni Gino paakyat muli sa dibdib nito. "Oooohh shit! Kalooohhhy!" paungol na sabi ni Gino. Marahang hinubad ni Kaloy ang suot na polo ni Gino. Napansin ni Kaloy na may pasa si Gino sa kanyang katawan. Napatigil siya.
"Anong nangyari dyan?" nagtatakang tanong ni Kaloy sa nobyo. Medyo malaki kasi ang pasa nito sa bandang tagiliran. Mabilis na tumakbo ang imahinasyon ni Kaloy. Marami ang pumapasok sa kanyang isipan. "Ah. Eh! Wala ito..." natatarantang sagot ni Gino na agad na dinampot ang polong nalaglag sa sahig. "Gino, umamin ka nga? Anong nangyari dyan?" matigas na tanong ni Kaloy sabay hablot sa braso ng nobyo. May selos. "Wala nga ito.." pagsisinungaling ni Gino na agad na binawi ang kanyang braso. Mabilis na ibinutones ni Gino ang kanyang polo. Hindi pa rin naniniwala si Kaloy sa sagot ni Gino. "Wala?! Kusa na lang lumabas yan, ha? Sino ang may gawa niyan? Umamin ka!" may galit na sa tono ni Kaloy. Naalala niya kasi nang minsan magtalik silang magnobyo sa banyo ng opisinang iyon. Nagkaroon rin ng pasa ang katawan ni Gino dahil sa tindi ng pagbarurot niya sa kasintahan. Kaya ayun ang agad na pumasok sa kanyang isip ngayon. Na may iba si Gino sa labas. Na hindi tapat si Gino sa kanya.
"Kaloy, huwag mong palakihin ang issue sa pasa ko. Wala lang ito.." tanggi ni Gino. Hindi niya masabi ang totoo sa nobyo. Hindi niya kaya. Hindi pa niya kaya. Isa kasi sa mga kinatatakutan ni Kaloy ay ang maiwan. Alam ni Gino na iniwan si Kaloy ng kanyang ama at sumama ito sa ibang babae. Habang ang mommy naman niya ay nalulong sa droga kasama ang drug addict niyang step dad. Iyon ang naging dahilan kung bakit nakilala ni Kaloy ang drugs. Cocaine, marijuana, ecstasy, name it. Natikman lahat na iyon ni Kaloy. At ito ang naging rason kung bakit nagpakamatay ang kanyang ina. Na-overdose sa tinurok na droga. Ito rin ang rason kung bakit nakakulong ngayon si Kaloy. Nahulihan siya ng may drugs. "Please, Gino. Explain what happened..." nagmamakaawang tanong ni Kaloy sa nobyo. Mula sa galit ay nagshift ito into begging. Napahinga na ng malalim si Gino.
"Kaloy, tigilan na natin to. Hindi na ito tama.." biglang nasambit ni Gino sa kasintahan. Nanlaki ang mga mata ni Kaloy sa narinig. Napatigil siya. Nakatitig pa rin si Kaloy sa mukha ng kanyang nobyo. Ilang minutong katahimikan. "Tigilan? Bakit? Hindi ka na ba masaya sa akin? Dahil ba may nakilala ka na sa labas?" tanong ni Kaloy. Galit. Halata iyon sa kanyang boses at tono. Kinorner ni Kaloy si Gino. Hinarang ni Kaloy ang dalawa niyang braso sa katawan ni Gino na nakaupo ngayon sa mesa. "Yan ka na naman Kaloy!" bawi ni Gino. Hindi pa niya pwede sabihin ang kanyang kondisyon sa kasintahan. Malulugmok muli si Kaloy at baka malulong ulit ito sa masamang bisyo. Hindi na muna ngayon. Saka na.
"Anong yan na naman ako, Gino!" matigas na sabi ni Kaloy sa kasintahan. Pilit na tumatakas si Gino sa mga bisig ni Kaloy. Medyo nahihirapan na siyang huminga. Ngunit kailangan niyang kumalma at baka hindi niya mapigilan ang sarili at mapaamin siya sa kanyang kondisyon. Dahil mapilit siyang makatakas ay nagtagumpay siyang makaalis sa harapan ni Kaloy. Blag! Nagulat na lamang si Gino na sinuntok ni Kaloy ang mesa. Muling nanahimik sa loob ng kwarto. Walang nagsasalita sa pagitan ng dalawa. Ilang minuto rin tumagal ang katahimikan. Hindi alam ni Kaloy ang dapat maramdaman. Masikip sa dibdib. Masakit sa ulo. "Heto na naman.." isip ni Kaloy. Nanumbalik ang mga naranasan niya. Ang pag-iwan sa kanya ng kanyang ama. Ang pag-iwan ng kanyang ina. Nagsimulang pumatak ang mga luha ni Kaloy. Nakayuko pa rin ito habang nakasuntok pa rin ang isang kamao sa mesa. "Gino, sabihin mo na lang na hindi mo na ako mahal at k-k-kusa na akong lalayo sayo.." ang mga huling sinambit ni Kaloy. Wala pa rin siyang nakuhang malinaw na sagot mula sa kasintahan. Sa dating kasintahan. "Lumabas ka na, Kaloy.." hiling ni Gino.
Back to reality.
"Liver cancer. Stage 4.." muling sambit ni Gino na nagpabalik sa huwisyo ni Dylan. "B-b-bakit mo sinasabi yan sa akin?" nagtatakang tanong ni Dylan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nalaman. Kaya pala ang laki ng pinayat ni Gino nang muli itong makita sa preso. Masigla pa rin pero wala na yung dating nang una niya itong makasalubong. "Titigil na ako magpachemo.." bahagi muli ni Gino. "Ha? Bakit? Nasubukan mo na ba lahat ng options?" usisa ni Dylan. Lumabas ang pagiging matanong niya as a nurse. "Yes, we have tried every options but all are not working.." nangingiting sabi ni Gino. Napansin ni Dylan ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Gino. Mabigat sa pakiramdam. "That is why I need to leave Kaloy. Because kelangan ko magpagamot sa labas.." patuloy ni Gino. "And he is my reason why I am still fighting to live.." naiiyak na kwento ni Gino. Hindi na nakapagsalita si Dylan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon.
"Four months.." ngiting sabi ni Gino. "Apat na buwan na lang ang binigay sa akin ng doctor ko. And I am still hoping na sa loob ng mga natitira kong buwan ay m-m-makasama ko si Kaloy.." lakas-loob na sabi ni Gino sa kasintahan ng dating nobyo. Nahihirapan nang makahinga si Dylan. Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin. Mahal niya si Kaloy. Ngunit isang mabigat na hiling ang hinihingi ni Gino. "Mahal na mahal ko si Kaloy, Dylan. And the reason why I need to push him away is because ayoko niyang makita na nagkakaganito ako. Please, Dylan. I am begging you.." si Gino na napaluhod na sa harapan ni Dylan. Hawak-hawak niya ang mga kamay nito. "G-g-Gino.." ang tanging nasabi ni Dylan na nagsimula na rin mapaluha.
Napakalabo na ng isipan ni Dylan sa oras na iyon. Dapat ba niyang ipaglaban ang pagmamahal niya kay Kaloy o pagbigyan ang hiling ng isang taong malapit nang mawala. Napailing si Dylan. Bumitaw siya sa kamay ni Gino at nilisan ang silid na iyon. Iniwan niya ang nakaluhod na si Gino na patuloy ang pag-iyak. Mabilis ang tibok ng kanyang puso. Magulo ang kanyang isip. Hindi na niya alam kung saan patungo. Hinayaan niya ang kanyang mga paa kung saan man siya dalhin ng mga ito. Pigil pa rin ang kanyang pag-iyak. Ayaw niya mapansin ito ng mga makakasalubong niya. "Dylan!" isang tinig ang bumasag sa kanyang pag-iisa. Boses iyon ng kaselda niyang si Erwin.
Napahinto si Dylan sa paglalakad. Bumalik kahit papaano ang kanyang katinuan. "Oh, Erwin.." bati ni Dylan. Pilit niyang itinatago ang kanyang kasalukuyang nararamdaman. "Oh okay ka lang?" nagtatakang tanong ni Erwin. Medyo iba kasi ang awra nito ngayon. Ngumiti si Dylan sabay sagot, "Oo naman. Bakit? Anong meron?" "Kanina ka pa kasi hinahanap ni Chief. May dalaw ka raw.." sagot ni Erwin. Nagtaka si Dylan kung sino ang kanyang bisita. Medyo lumuwag ang kanyang pakiramdam. Nasa isip niya ay kanyang magulang at kapatid. Mainam na iyon dahil kailangang-kailangan niya ng pagkalinga. "Salamat Erwin.." si Dylan sabay takbo kung saan ang visiting area.
Isang pulis ang umalalay sa kanya papunta sa visiting area. Wala ang pamilya nya ruon. Ngunit may isang lalaki na nakatalikod ang pamilyar sa kanya. "Sir Von. Heto na po si Dylan.." bungad ng pulis na umalalay sa kanya. "V-v-von?" nagtataka si Dylan kung bakit narito ang dati niyang nobyo. "Dylan.." si Von sabay harap sa dating kasintahan. Niyayang umupo ni Von si Dylan ngunit hindi ito gumalaw sa kanyang kinatatayuan. Kahit na nakaalis na ang pulis na umalalay sa kanya. Hindi na nagpumilit si Von. "Kamusta ka?" bati ni Von sa dating nobyo. "Huwag ka nang magpaligoy-ligoy. Bakit ka narito?" diretsang tanong ni Dylan. Ngumiti si Von. "Umamin na ako kay Papa at Mama kung ano ang nangyari nung araw na iyon.." simula ni Von. Nanlaki ang mga mata ni Dylan sa narinig. "Dylan, tutulungan ka namin makalabas na rito.." pagpapatuloy ni Von.
"Tikboy, nakita mo ba si Dylan?" tanong ni Kaloy sa kaselda na ngayon ay namimigay ng miryenda. Hindi pa kasi ito bumabalik mula sa pag-aayos ng sounds para sa outreach program. Mabilis na tumayo si Kaloy upang puntahan si Dylan sa opisina nina Gino. Agad siyang lumabas ng activity area. Sa hindi niya inaasahan ay nakasalubong niya si Gino. Maga ang mga mata nito. Halatang galing lang ito sa pag-iyak. Hindi lang iyak, mukhang humagulgol ito. Nilagpasan niya ito ngunit napatigil rin. "Gino, nasaan si Dylan?" tanong ni Kaloy. "K-kanina pa siya natapos sa task niya.." nauutal na sagot ni Gino. "K-ka-kaloy? Pwede ba tayo mag-usap?" dagdag ni Gino. "Hindi ako pwede. Sige, salamat.." paalam ni Kaloy sa dating kasintahan. Saktong dumating si Erwin. "Win, napansin mo ba si Dylan?" tanong ni Kaloy sa kaselda. "Ayy. May dalaw siya. Kanina pa nga siya hinahanap ni Chief e.." sagot ni Erwin. Nagtaka si Kaloy kung sino ang bisita ni Dylan. "Nasa visiting area sila?" kumpirma ni Kaloy. "Malamang.." si Erwin saka pumasok ito sa activity area. Dumiretso si Kaloy papunta sa visiting area. Nais niyang malaman sino ang bisita ng nobyo. Sinundan naman ito ni Gino.
Napaiyak si Dylan sa harapan ni Von. Tuluyan nang lumabas ang kanina pang mga emosyon na kanyang pinipigilan. Naisip niya ang kanyang Mama, Papa at ang kanyang mga ate. "I'm sorry Dylan at natagalan ako. Pero ngayon handa na kitang ipaglaban. Handa na akong ipaglaban ang relasyon natin.." dagdag pa ni Von. Hinawakan ni Von ang magkabilang kamay ni Dylan. Nanlalamig ang mga ito. "Kinausap na nina Papa sina Tita Lucy and they were ready to close the case.." saad pa ni Von. Hindi pa rin makapaniwala si Dylan sa mga sinasabi ng dating nobyo. "Thank you, thank you!!" sagot ni Dylan na patuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi na mapigilan ni Von na yakapin ang kasintahan. "I'm sorry, Dylan! I'm sorry!" bulong ni Von kay Dylan. Hindi na siya pumalag nang maramdaman ang mainit na katawan ng dating nobyo. Napadikit ang kanyang mukha sa dibdib nito. Tumatango lamang si Dylan. "Promise, I will get you out here babe.." si Von.
Sa ganung posisyon naabutan ni Kaloy sina Von at Dylan. Magkayakap. Umiiyak sa dibdib ng lalaki ang kanyang nobyo. Naningkit ang kanyang mga mata. Nanikip ang kanyang dibdib. Bumilis ang kanyang tibok ng puso. Ano ang kanyang nakikita? Sino ang lalaking kasama ni Dylan? Mga tanong na gumugulo sa isip ni Kaloy.
Susundan..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment