"Kaloy?" ulit na sabi ni Dylan. Hinihintay ang sagot mula sa binata ngunit wala itong imik. Hanggang pumasok na nga ang doktor at mga nurse upang suriin ang kondisyon ng pasyente. "Kaloy, Father Jeff? Si Erwin po?" nalilitong tanong ni Dylan sa kanila. Kahit hindi pa nagsasalita ang mga nanduon ay kusang tumulo ang kanyang mga luha. "Dok, yung kasama ko po?" naiiyak na sabi ni Dylan. "Dok, please. Yung kaibigan ko po ang unahin niyo. Okay lang po ako..." dagdag pa nito. Gusto na niyang makita ang kalagayan ng kaibigan. Inaasam niyang nasa kabilang kwarto lang ito at nagpapagaling. Pilit na bumabangon si Dylan upang makita ang kaibigan. "Dylan, kalma.." sabi ng doktor. Ngunit dahil hindi nagpapaawat si Dylan na tumayo ay binigyan ito ng pangpakalma. "Kaloy, si Erwin?" tanging sabi ni Dylan at tuluyan muling nakatulog.
--------
"Kamusta na ang iyong pakiramdam, Dylan?" tanong ng matandang doktora habang ineeksamin ang tibok ng kanyang puso. Dalawang araw na rin ang nakalipas mula nang bumisita si Kaloy sa kanya. Lumiliit na ang mga pasa sa kanyang pasa at natutuyo na rin ang mga sugat na kanyang nakuha. "Medyo okay na po ako. Doc, kamusta po yung kaibigan ko? Si Erwin po? Nasa kabilang kwarto po ba siya?" sunud-sunod na tanong ni Dylan sa doktora. Wala pa rin kasi itong balita sa kalagayan ng kaibigan mula nang magkaroon siya ng malay. Tikom lagi ang mga nurse na umaasiste sa kanya. "Ah eh. Dylan, magpalakas ka muna. Panigurado maraming naghihintay sa iyong paggaling.." tanging sagot ng doktora. "Doc, malubha po ba kalagayan niya? Gising na rin po ba siya?" hindi pa rin tumigil si Dylan magtanong sa sitwasyon ng kanyang kaibigan. Hindi sumagot ang doktora at ngumiti lamang ito sa binata. "Alam, Dylan. Napakaswerte ng kaibigan mong si Erwin sa iyo. Panigurado na matutuwa iyon kapag nakalabas ka na dito sa ospital.." tanging sambit ng doktor. "O siya, makuha lang natin ang mga resulta ng blood works at xray at kung walang komplikasyon ay pwede ka nang madischarge dito.." huling sabi ng doktor bago ito lumabas ng kanyang silid. Walang malinaw na sagot na nakuha si Dylan tungkol sa lagay ng kaibigan. Napatingin na lamang si Dylan sa labas ng bintana. Tanaw nito ang bughaw na kalangitan. Pag-asa. Umaasa pa rin siyang buhay pa ang kanyang kaibigan matapos ang lahat ng kanilang pinagdaanan.
Dalawang araw pa ang nakalipas ay binigyan na ng go-signal ng kanyang mga doktor si Dylan na makalabas ng hospital. Babalik na ulit siya sa koreksyunal. Iba't ibang emosyon ang kanyang nararamdaman sa kanyang pagbabalik. Masaya. Dahil makikita na niyang muli si Kaloy matapos nilang makapag-ayos habang siya ay nasa ospital. Kinakabahan. Dahil hanggang ngayon ay malaya pa rin ang gumawa nito sa kanya at kay Erwin. Pinaghahanap pa rin kasi si Marquez ng mga kapulisan. Kahit alam niyang nasibak na ito sa pwesto ay hindi pa rin siya pwedeng makampante dahil malaki ang impluwensya ni Marquez sa looban. Nalulungkot. Dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang balita sa kalagayan ng kaibigan na si Erwin. Mahigit isang oras din ang byahe nila mula hospital hanggang koreksyunal. Muling kumabog ang kanyang puso nang makita ang malawak na pader at gate ng kulungan. Napasilip si Dylan sa labas ng bintana ng patrol. Muling pumasok sa kanyang ala-ala ang kanilang sinapit ni Erwin sa mga talahiban kung saan sila tumakbo, gumapang at nagtago. Mag-tatakip-silim na nang makarating sila sa harapan ng koreksyunal. Naroon sina Chief Raymundo at Father Jeff nakaabang sa kanyang pagdating. "Maligayang pagdating, Dylan.." bati ng pari sa binata. Yumakap si Dylan sa pari at nagpasalamat. Sumunod naman kumamay ang hepe na malugod naman tinanggap ni Dylan.
Dumiretso sina Dylan at Chief Raymundo sa kanyang opisina upang pag-usapan ang mga plano para sa kanyang kaligtasan. "Navarro, hindi ka na muna lalabas ng selda mo upang makaiwas ka sa paghalubilo sa ibang preso.." simula ni Raymundo sa binata. "Chief, maraming salamat po.." sagot ni Dylan sa hepe. "Kasalukuyan pa rin pinaghahanap si Marquez. Patay na ang kasabwat niyang pulis sa pagdukot sa inyo. Pero sa utos na rin ni Mayor Felicita ay nag-assign na rin ako ng isang pulis para magbantay ng iyong selda.." dagdag pa ng hepe. "Si Erwin ho ba ay narito na? Nakalabas na rin ho ba siya ng ospital? Kasama na ho ba siya nila Boyong? Gusto ko po sana siyang makita.." sunud-sunod na tanong ni Dylan sa hepe. Yumuko si Chief Raymundo. Nag-iisip siya kung paano sasabihin sa preso ang nangyari sa kanyang kaibigan. "Kinalulungkot ko, Navarro.." sambit ni Raymundo. Nanlamig ang buong katawan ni Dylan. Umaasa pa siyang buhay pa ang kaibigan. Umiling si Dylan. Ayaw na niyang marinig ang susunod na salita ng hepe. "Chief.." mahinang sambit ni Dylan habang patuloy na umiiling. Nangilid na agad ang mga luha sa kanyang mga mata. "Ngunit hindi namin nailigtas si Manalastas.." pagpapatuloy ng hepe. Duon na bumuhos ang emosyon ni Dylan. "Hindi, Chief.." sabi ng binata na ayaw pa rin maniwala sa balita ng hepe. "Mahina na ang kanyang pulso nang makarating kayo dito. Maraming dugo ang nawala sa kanya. Tuluyan na siyang nawala nang saluhin ni Manalastas ang dalawang bala habang naglalakad kayo pabalik rito.." kwento ni Raymundo. Muling nanumbalik sa isipan ni Dylan ang mga nangyari. Nakasalabay sa kanya si Erwin habang naglalakad pabalik sa koreksyunal. Nang biglang may bumaril sa bandang likuran. Isang bala ang dumaplis sa kanyang tagiliran at dalawa ang sinalo ni Erwin. Muli siyang iniligtas ng kaibigan. Parang binagsakan si Dylan ng langit. Napuno ng emosyon ang kanyang dibdib. Gusto nitong sumabog sa galit at hinagpis. "Chief, nasaan si Erwin?!" pasigaw niyang sabi habang tuluy-tuloy na ang pagpatak ng kanyang luha. Hindi muna nagsalita ang hepe. "Chief, parang-awa niyo na! Ipakita niyo po sa akin si Erwin.." dagdag pang sabi ni Dylan na napaluhod na sa sahig ng opisina ng hepe.
"Erwin!!!" nanlulumong tawag ni Dylan sa pangalan ng kaibigan. Pumasok na si Kaloy sa opisina ng hepe upang aluhin ang humahagulgol na si Dylan. "Kaloy!!" lumuluhang tawag ni Dylan nang makita ang binata. Agad naman niyakap ni Kaloy ang nakaluhod na si Dylan. "Kasalanan ko! Ang bagal-bagal ko kasi!" paninisi ni Dylan sa kanyang sarili. Alam ni Kaloy na sobrang sakit ang nadarama ng kasintahan. Sa matipunong dibdib ni Kaloy sumubsob si Dylan. Duon siya humagulgol na parang walang bukas. Ramdam ni Dylan ang init ng katawan ni Kaloy. "Dy, tahan na. Kailangan mo magpakalakas.." alo ni Kaloy. "Kasalanan ko. Kasalanan ko! Hindi ko nailigtas si Erwin.." umiiyak na sabi ni Dylan. "Shh! Walang kang kasalanan.." tahan pa ni Kaloy habang hinihimas ang likuran ng binata. "Sana hindi na ako nagpahinga. Sana mas binilisan kong maglakad.." tuluy-tuloy pang sabi ni Dylan. Naaawa siya sa itsura ng binata. Mukha itong musmos. Luha. Uhog. Pawis. Laway. Halo-halo na ang sumasapin sa damit ni Kaloy mula sa pag-iyak ni Dylan. "Tahan na, Dylan.." sabi ni Kaloy. Ilang sandali pa ay medyo nahimasmasan na si Dylan sa bisig ni Kaloy. Humihikbi pa rin siya sa tuwing naiisip niya ang sinapit ng kaibigan na si Erwin. Pinainom na muna si Dylan ng tubig upang mas kumalma. "Montereal, ihatid mo na si Navarro sa kanyang selda. Naghihintay na ruon ang bantay niya.." utos ni Raymundo sa binata nang medyo kumalma ang preso. "Sige po, chief.." sagot ni Kaloy sa hepe. Marahan inalalayan ni Kaloy patayo si Dylan. Nanlalambot pa rin ang kanyang mga tuhod. Naubos talaga ang kanyang lakas mula sa emosyon na kanyang nailabas. Parang nakalutang pa rin si Dylan. Hindi pa rin niya natatanggap ang binalita ng hepe na wala na ang kanyang kaibigan. Isa na namang kaibigan ang hindi niya natulungan.
"Dy, hindi ko na talaga kaya.." sabi ni Erwin na napaluhod na sa lupa. Humihingal. Hinahabol ang kanyang hininga. Nanlalambot na ang kanyang mga tuhod at binti. Hindi na niya kakayanin na maglakad pa. "Win, kapit lang. Halika rito sa likod ko.." alok ni Dylan sa kaibigan. Tumanggi si Erwin. "Huwag na, Dylan. Nakakahiya. Sige na, iwan mo nalang ako dito. Humingi ka ng tulong.." sabi pa ni Erwin. "Hindi! Hindi kita iiwan. Magkasama tayo na babalik.." sabi ni Dylan. "Dy, huwag mo akong alalahanin. Para makahingi ka kaagad ng tulong. Ayoko maging pabigat sa iyo.." nanghihinang sabi ni Erwin sa kaibigan. "Win, hindi kita iiwan dito. Hindi kita iiwan mag-isa.." sagot ni Dylan. Tumalikod si Dylan at umupo upang makasalabay si Erwin sa kanyang likuran. Ilang segundo siya sa ganuong posisyon ngunit hindi gumagalaw ang kaibigan. "Erwin, sumampa ka na.." utos muli ni Dylan sa kaibigan. Nilingon ni Dylan kung saan nakapwesto si Erwin ngunit nawala ito na parang bula. "Erwin?" tawag ni Dylan sa kaibigan. "Erwin!!!" muling tawag ni Dylan. Tumayo si Dylan upang masilayan ang paligid. Hinanap niya kung nagtatago lamang ito nang makarinig siya ng tawa ng isang lalaki. Naglakad pa siya sa talahiban habang tinatawag ang pangalan ng kaibigan. "Dy, tulungan mo akoooo!!" boses iyon ni Erwin. Umiiyak. Mas binilisan niya ang kanyang paglalakad upang mahanap kung nasaan ang kaibigan. "Erwin!! Nasaan kaa?!" sigaw ni Dylan sa kawalan. Matalahib ang daan na kanyang tinatahak. Wala na siyang pakielam sa natatapakan niyang mga tinik. "Dylaaaan! Tuloooooong!!" sigaw pa muli ni Erwin. Nasundan ni Dylan ang boses ng kaibigan. Napunta siya sa kalsada kung saan nanlaki ang kanyang mata nang makita na nakasabunot si Marquez sa buhok ni Erwin. Namumula ang mata ni Marquez. Nakangiti pa na para bang demonyo. Wala nang malay ang kaibigan na nakahandusay sa tabi ng hayop na pulis. "Erwiiiiiiiiin!!" sigaw ni Dylan at tumakbo papunta sa kanyang kaibigan.
"Dylan! Gising!" tawag ni Kaloy sa katabi na halatang binabangungot. Marahang inaalog ni Kaloy ang balikat ni Dylan. Biglang mulat si Dylan at hinahabol ang kanyang pag-hinga. Napaupo siya sa kanyang kama. "Kaloy!" biglang sambit ni Dylan nang makita ang maamong mukha ni Kaloy sa kanyang tabi. Muling bumuhos ang kanyang mga luha. Takot. Lungkot. Pangamba. "Shhh! Dy, nandito na ako. Huwag ka matakot.." sabi ni Kaloy sabay yakap sa katabi. Naiintindihan ni Kaloy ang nararamdaman ngayon ni Dylan. Gusto niya iparamdam sa binata na nariyan siya sa kanyang tabi at walang makakapanakit sa kanya. Mabuti na pinayagan siya ni Chief Raymundo na manatili sa selda ni Dylan. Ayaw niya sanang mahiwalay muna sa kasintahan. "Kaloy.." muling tawag ni Dylan sabay balik sa yakap ng katabi. Mas mahigpit. Rinig ni Dylan ang pagtibok ng puso ni Kaloy. Ramdam niya ang bawat pagtaas-baba ng dibdib ni Kaloy. Sinimulang himasin ni Kaloy ang buhok sa ulo ni Dylan. Nakakakalma ang ginagawa ni Kaloy. Sinabayan pa ng init sa mga bisig nito. Nakakapuno ng damdamin. Ito ang matagal na inaasam ni Dylan mula nang maghiwalay sila ni Kaloy. "Hindi na ako lalayo sa iyo.." bulong ni Kaloy na mas lalong hinigpitan ang yakap. Unti-unting kumalma si Dylan mula sa kanyang masamang panaginip. Inangat ni Dylan ang kanyang ulo upang makita ang mukha ni Kaloy. Nakapikit ito habang yakap-yakap siya. "Andito lang ako.." sabi ni Kaloy sabay tingin rin sa mukha ng kayakap. Mata sa mata. Napangiti si Kaloy nang makita ang mukha ni Dylan. Nilapat niya ang kanyang mga labi sa noo ng binata. "Wala nang makakagalaw sa iyo.." sambit pa ni Kaloy. Gumaan ang loob ni Dylan sa kanyang narinig at binalik ang yakap sa katawan ng binata. Tuluyan nang nakatulog si Dylan habang nakakulong sa mga bisig ni Kaloy.
Nagising si Dylan nang maramdaman niya ang pagdampi ng malamig na hangin sa kanyang pisngi. Malamig pa rin ang simoy na hangin na pumapasok sa selda ni Dylan na nagmumula sa maliit na bintana sa kanyang selda. May ilang araw pa kasi bago matapos ang taon. Marahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Nangangapa sa dilim. Madilim pa rin ang kalangitan na abot-tanaw niya mula sa kanyang kinahihigaan. Liwanag mula sa hallway ng kanyang selda ang nagbibigay ilaw sa kanyang higaan. Nilingon ni Dylan ang katabi. Mahimbing na natutulog si Kaloy sa kanyang tabi. Nakayakap ang braso nito sa kanyang katawan. Masarap sa pakiramdam. Mainit. Napupuno ng init ang kanyang dibdib. Parang pinupuno ng mga yakap ni Kaloy ang mga butas sa kanyang puso. Napapikit si Dylan at dinama ang mga bisig ng binata. Muling sumagi sa kanyang isipan ang itsura ni Erwin. Ang huling sandali nito sa kanyang kwarto matapos nilang magsama ni Boyong. Nakangiti ito. Masaya itong nagpapasalamat sa pag-papagamit niya sa kanyang kwarto. "Win, pasensya na ha.." tanging nasabi ni Dylan. Muling dumaloy ang kanyang mga luha. "H-h-hindi ko na natupad ang pangako sa iyo. Na sabay tayong makakauwi. Na makikita mong muli si Boyong. Na mayayakap mo siya.." patuloy na sinasabi ni Dylan sa kanyang isip na para bang kinakausap ang kaibigan. "Thank you.." dagdag pa ni Dylan. "Maraming salamat dahil kahit sa huling pagkakataon, niligtas mo pa rin ako.." si Dylan kay Erwin. Alam ni Dylan na sinalo ni Erwin ang mga bala mula sa pamamaril ni Marquez. "Hindi kita makakalimutan, Win. Maraming salamat sa pagkakaibigan.." bulong ni Dylan nang maramdaman niyang muling umihip ang malamig na hangin. Muling dumampi ito sa kanyang pisngi na nagabot ng kuryente sa buo niyang katawan.
"Mga kapatid, ilang oras na lamang ay magsasara na naman ang isang kabanata ng ating buhay. Magpasalamat tayo para sa taon na ito, sa mga biyayang ating natanggap, sa mga aral na atin natutunan.." sambit ni Father Jeff habang nag-mimisa para sa huling gabi na ng taon. Ilang araw na din ang nakalipas mula sa mga nangyari kay Dylan. Ngayon na lamang siya nakalabas ng kanyang selda at nakahalubilo sa mga iba pang preso. Katabi niya ngayon sa upuan si Kaloy. Hawak-hawak ang kanyang kamay. Napalingon si Dylan sa katabi. Pinagmasdan ang biyayang binigay sa kanya sa taong ito. Mas lalong gumwapo ang kasintahan dahil bagong ahit ito. Nagpasemikal ito at nagpaahit ng bigote at balbas. Lantad tuloy sa kanyang paningin ang namumulang labi nito. Nilapit ni Dylan ang kanyang mukha sa bandang tenga ng binata. "Thank you.." bulong ni Dylan kay Kaloy. Tumingin rin si Kaloy sa katabi. Ngumiti ito nang makita ang maamong mukha ng kasintahan. Ang namumungay nitong mga mata. Ang matambok nitong mga labi. "Salamat at bumalik ka sa buhay ko.." sagot ni Kaloy sa katabi. Pinisil niya ng mahigpit ang palad ni Dylan sabay angat nito para ilapat sa kanyang mga labi. Napangiti naman si Dylan sa ginawa ng binata. Natapos ang misa at pinadiretso ang mga preso sa silid-kainan upang magsalo-salo at salubungin ang bagong taon. "Kaloy, Dylan. Una na kame ni Tatay sa kainan ha. Mag-aayos pa kame e.." paalam ni Tikboy sa dalawa. Ngumiti si Dylan at niyakap ang dalawa. "Tikboy, salamat ha.." sabi ni Dylan sa preso. Nalaman niya kasi ang tulong na ginawa nito nung panahong nawawala siya. "Ano ka ba, Dylan? Wala yun! Masaya ako at ligtas kang nakabalik.." sagot ni Tikboy sa kapwa preso.
"Dy, dito ka muna ha. Tulungan ko muna si Father Jeff mag-ayos.." sabi ni Kaloy sa kasintahan bago ito lumapit sa pari. Tumango si Dylan upang payagan ang nobyo. Naupo si Dylan at pinagmasdan ang activity area. Ilang araw din niyang hindi nasilayan ito dahil hindi siya pinapayagang lumabas ng kanyang selda. "Happy New Year, Dylan.." bati ng lalaki sa kanyang likuran. Malalim ito. Pamilyar. Agad niyang nilingon ang lalaking bumati sa kanya. Hindi nga siya nagkamali. Si Boyong ang lumapit sa kanya. "Boyong!" naiiyak na tawag ni Dylan sa kaibigan. Hindi na napigilan ni Dylan na hindi yakapin si Boyong. Ngayon na lamang niya ito muling nakita. Yumakap si Dylan sa malaking katawan ni Boyong. Hindi na rin tumanggi si Boyong at yumakap na rin sa katawan ni Dylan. Muling naalala niya si Erwin habang yakap ang katawan ni Dylan. Hindi na rin niya napigilan ang umiyak. Nalulungkot pa rin siya sa tuwing sumasagi sa kanyang memorya si Erwin. Maikli man ang kanilang pagsasama ay napamahal na rin talaga ang binata sa kanya. "Yong, sinubukan ko.." si Dylan kay Boyong. "Shhh! Alam ko. Wala ka kasalanan.." sagot ni Boyong. Nakayakap pa rin ito kay Dylan. "Miss na miss ko na siya, Dylan.." dagdag pa ng binata na mas lalong hinigpitan ang yakap sa munting katawan ni Dylan. "Mahal na mahal ka niya, Yong.." sabi pa ni Dylan. "Ikaw pa rin ang kanyang inspirasyon para lumaban.." dagdag pa nito. Napatango na lamang si Boyong. Masakit man ang kinahantungan ng kanilang relasyon ni Erwin ay kailangan niya rin tanggapin na wala na ito. "Salamat, Dylan at hindi mo siya iniwan. Alam kong masaya si Erwin na nakaligtas ka.." sagot ni Boyong sa binata. Napatango na lamang si Dylan. "Promise, Yong. Tutulungan kita.." si Dylan.
Masayang nag-salo-salo ang mga preso sa silid-kainan para sa kanilang media noche. "Happy New Year!!!" sigaw ni Tikboy habang pinupukpok ang metal na mesa. Natatawa na lamang si Dylan habang pinapanuod na nagkakasiyahan ang mga kapwa preso. Alam niyang ilang linggo na lamang ang pananatili niya sa lugar na iyon dahil sa amnestiyang nilaan para sa kanya ng gobyerno. Sa loob ng ilang buwan na pamamalagi niya sa koreksyunal ay marami siyang natutunan. Naranasan. Nalaman. Naintindihan. Isang karanasan na hindi niya makakalimutan. "Hey, okay ka lang?" si Kaloy nang mapansin na malalim ang iniisip ng katabi. Tumango si Dylan. "Masaya lang ako. Masaya ako kasi napunta ako dito. Masaya ako kasi nakilala kita.." si Dylan sabay lagay ng kanyang mga kamay sa batok ng binata. Napangiti si Kaloy lalo nang mapalapit ang mukha ni Dylan sa kanyang mukha. Para bang walang tao na nakapaligid sa kanila. Tila ba sila lamang ang tao sa silid na iyon. Walang ingay na naririnig maliban na lamang sa pagtibok ng kanilang mga puso. "Mahal kita, Dylan. Mahal na mahal kita.." sambit ni Kaloy sa kaharap. Napapikit si Dylan. "Mahal rin kita. Mula noon hanggang ngayon.." nangingiting sabi ni Dylan. Hindi na napigilan ni Kaloy ang sarili. Hinagkan niya ang mga labi ni Dylan. Naglapat ang kanilang mga labi. Walang pakielam sa mga taong nakakakita sa kanila. Kahit na napapalibutan sila ng mga barakong "walang halang ang kaluluwa." Labi sa labi. Tumagal din ng isang minuto ang halikan ng mga binata. "Huy! Mamaya pa ang putukan.." tawag-pansin ni Tikboy sa mag-nobyo. Natatawang naghiwalay sina Kaloy at Dylan. "Sus! Inggit ka lang!" si Kaloy sabay batok sa kapwa preso. Napakamot na lamang si Tikboy. Nagsimula na ang countdown para salubungin ang bagong-taon. "Five, four, three.." sabay-sabay na bilang ng mga preso. Karamihan sa mga preso ay nakatayo. Excited sa selebrasyon ng Bagong Taon. "Two, one! Happy New Yeaaaar!" sigaw ng halos lahat. Nagsipalakpakan. Nagkalampog ng mga kaldero at sandok. Nagsipulan. Nagbatian. Yakapan sa mga kaibigan sa loob ng kulungan.
Pasado ala-una na ng pinabalik ang lahat ng mga preso sa kani-kanilang selda. "Magpahinga ka na. Maliligo lang ako.." paalam ni Dylan sa nobyo. Buti na lamang ay pinayagan ni Chief Raymundo si Kaloy na manatili sa selda ni Dylan. Naghubad na si Dylan ng kanyang suot at agad na tumungo sa banyong walang pinto. Malamig ang tubig na kanyang binuhos sa kanyang katawan. Nagsasabon na siya ng kanyang katawan nang maramdaman na may dumampi na mainit sa kanyang likuran - katawan ni Kaloy. Hubo't hubad na rin si Kaloy sa oras na iyon. Niyakap ni Kaloy ang basang katawan ni Dylan. Inabot ang kamay na sabon at sinimulang nilakbay ito sa katawan ni Dylan. Napangiti si Dylan nang maramdaman muli ang buong katawan ng binata. Ilang linggo rin niyang hindi nakita ito, nahawakan, naramdaman. Sinimulang halikan ni Kaloy ang ulong bahagi ni Dylan patungo sa likuran ng kanyang tenga. Patuloy pa rin niyang sinasabon ang harapang katawan ng binata - sa dibdib, sa tiyan. sa mga braso. Hinayaan na lamang ni Dylan ang paglakbay ng kamay ni Kaloy sa kanyang katawan. Simula ngayon ay gusto niyang ipaubaya ang kanyang katawan sa binatang minamahal niya. Mula sa paghalik sa tenga ni Dylan ay marahang inikot ni Kaloy ang katawan ni Dylan upang mapaharap ito sa kanya. Napangiti si Kaloy nang makita na nakapikit si Dylan. Muli niyang hinalikan ang mga labi nito. Matamis. Malambot. Masarap. Marahan ang palitan ng mga halik ng dalawa. Naglalaban ang mga labi. Hindi rin nagtagal ay naging mapusok si Kaloy. Nilabas na niya ang kanyang dila at pinasok sa loob ng bibig ni Dylan. Ineespada ang dila ng kapareha. Hindi na rin nagpatumpik-tumpik pa si Dylan at sinagot na rin ang ginagawa ni Kaloy.
Naglakbay na rin ang mga kamay ni Dylan sa katawan ni Kaloy. Umangkla ang isa niyang kamay sa batok ng binata habang ang isa naman ay hinihimas ang braso ng nobyo. "Uhmmmm!" impit na ungol ni Kaloy habang patuloy pa rin ang paghalik sa labi ni Dylan. Kinuha ni Kaloy ang tabo sa timba at nagbuhos sa kanilang mga katawan. Hindi man lang nila naramdaman ang lamig ng tubig. Pareho silang nag-iinit. Basang-basa na ang kanilang mga katawan. Hinawakan ni Kaloy ang bewang ni Dylan at inilapit ang katawan nito sa kanyang katawan. Dahil sa sabon ay naging madulas ang pagkikiskisan ng kanilang mga katawan. Mainit. Nakakakiliti. "Uggghhh!" ungol ni Dylan. Ramdam ni Dylan ang pagkabuhay ng kanyang alaga pati na rin ang alaga ni Kaloy. Nanunusok na ito sa bandang tiyan niya. "Mahal kita.." muling sambit ni Kaloy sa binata. "Mahal rin kita.." si Dylan at sinimulan na ang pagromansa sa katawan ng nobyo. Sa magkabilang-leeg. Sa dibdib. Sinipsip ang mga utong na naninigas. "Agggghh! Shit!" ungol ni Kaloy. Muling nagbuhos si Dylan ng tubig sa katawan ni Kaloy upang mabanlawan ang sabon. Nang masigurado na wala ng bula ay nagpatuloy si Dylan sa ginagawa. Mula sa utong ay bumaba pa ito sa tiyan ng binata. Naglakbay ito sa pagitan ng mga abs ng kasintahan hanggang umabot siya sa pusod nito. Ramdam na ni Dylan ang buhay na buhay na alaga ni Kaloy. Tumatama na kasi ito sa kanyang baba, leeg at dibdib. Mula sa pusod ay naglakbay ang kanyang dila sa bulbol ni Kaloy. Medyo makapal ito. Binasa niya ito ng kanyang laway. Hindi rin pinalagpas ni Dylan ang mga singit ni Kaloy. Sinimsim rin ni Dylan ang magkabilang singit ng binata. "Ohhhhh! Fuuuuuhhck shiiiiit!" hindi mapigilang ungol ni Kaloy. Nakakakiliti. Nakakakuryente.
Tuluyan nang lumuhod si Dylan sa basang sahig ng banyo. Gusto niyang pagsilbihan si Kaloy. Babawi siya sa binata. Alam naman niyang siya ang unang sumuko sa kanilang dalawa. May rason man ay hindi pa rin niya maaalis na siya ang unang bumitaw. Babawi siya kay Kaloy sa oras na iyon. Magsisimula silang muli. Hinawakan na ni Dylan ang katawan ng galit na galit na batuta ni Kaloy. Lagpas sa kanyang palad ang ulo nito. Sinimulan niyang dilaan ang butas sa ulo ng alaga ni Kaloy. "Aggggghh!" ungol ni Kaloy nang maramdaman na niya ang pagdampi ng dila sa sensitibong parte ng kanyang alaga. Ramdam niya ang pagdila ni Dylan sa ulong parte ng kanyang armas. "Ohhhhh! Sige paaaahhh!" hiling ni Kaloy. Sinubo na ni Dylan ang nangingintab na ulo nito. Sinipsip. Nilaro ng dila sa loob ng kanyang bibig. Napahawak na si Dylan sa hita ni Kaloy at unti-unting isinubo ang kahabaan ni Kaloy. Marahan. Hanggang maabot niya ang dulo. Tumama na sa kanyang mukha ang balumbon ng buhok ni Kaloy. Nanatili si Dylan ng mahigit isang minuto at muling iniluwa ang kahabaan ni Kaloy. Hindi pa niya nalalabas lahat ay muli niya itong sinipsip papasok sa kanyang lalamunan. "Ang galing moooohhh, Dy!" puri ni Kaloy nang maramdaman ang ginagawa ni Dylan. Naglabas-masok na ang kahabaan ni Kaloy sa bibig ni Dylan. Pasipsip. May dila. Pahigop. Umaabot sa lalamunan. Minsan nabibilaukan. Pero kinakaya. Napasabunot na si Kaloy sa buhok ni Dylan. "Ohhhhh! Putaahhhhng-inaaahhhh!" ungol ni Kaloy. Labas-masok. Labas-masok. Labas. Pasok. Labas. Pasok. Paiba-iba ang ritmong ginagawa ni Dylan. "Baka labasan ako.." pigil ni Kaloy sa kasintahan.
Inalalayan ni Kaloy patayo si Dylan. Medyo nangalay ang mga binti ni Dylan sa kanyang pag-luhod. Muling nagbuhos si Kaloy ng tubig sa kanilang mga katawan. Muling inabot ni Kaloy ang sabon at pinahid ito sa pagitan ng pwetan ni Dylan. Masikip dahil sa magkabilang pisngi nito. Tinukso-tukso ng mga daliri ni Kaloy ang butas ni Dylan. Nakikiliti si Dylan sa ginagawa ni Kaloy. "Uhmmmm!" impit ni Dylan. Minsan pa ay marahan na sinusundot-sundot ito ni Kaloy. Pinapasok ang dulo ng kanyang daliri sa bukana ng butas ni Dylan. "Agggghhh!" ungol ni Dylan na napapapikit pa. Masikip. Mainit. Isang daliri ang unang pumasok sa kalooban ni Dylan. Tinatantya kung kakayanin ni Dylan si Kaloy. "Gusto mo ba?" tanong ni Kaloy sa kapareha. Minulat ni Dylan ang kanyang mga mata at nasilayan ang seryosong mukha ni Kaloy. Tumutulo pa ang ilang butil sa mukha nito. Ngumiti siya. Tumango. Muling nilapat ni Kaloy ang kanyang mga labi sa labi ng nobyo. "Mahal kita.." ulit ni Kaloy sabay tutok na sa kanyang katigasan sa butas ni Dylan. Medyo tumuwad si Dylan at sumandal sa pader ng banyo. Kumadyot ang bewang ni Kaloy. Dahil sa katigasan ng alaga ni Kaloy at dulas ng butas ni Dylan ay tuloy-tuloy ang pagpasok ni Kaloy sa kalooban ni Dylan. "Ahhhhhh! Shiiiiit!" ungol ni Dylan. Masikip. Madulas. Mainit. Ramdam ito ni Kaloy. Nanatili muna si Kaloy sa kalooban ni Dylan. Nirerelax ang butas. Sinasanay bago kadyutin. "Sige naaaaahh!" sabi ni Dylan sa binatang nasa kanyang likuran. Humawak si Kaloy sa bewang ni Dylan at sinimulang araruhin ang butas nito. Mabagal sa mga unang kadyot. Labas. Pasok. Labas. Pasok. Labas-masok. Labas-masok. Bumibilis na ang ginagawang pagkadyot ni Kaloy. "Aggggghhhh!" sabay na ungol ni Kaloy at Dylan. "Ang saraaaahhhp!" puri ni Kaloy sa sarap na nararamdaman nito. Mas bumilis ang pagbayo ni Kaloy. Labas-pasok. Labas-pasok. Inabot ni Kaloy ang mukha ni Dylan at pilit na hinahalikan - sa tenga, sa batok. "Aggggh! Argggh! Arrrggghh!" sunud-sunod na ungol ni Dylan habang ramdam niya ang paghati ng kanyang butas. "Malapit na ako!" sabi ni Kaloy sa kapareha. Kahit na hindi hinahawakan ni Dylan ay may tumutulong likido sa butas ng alaga ni Dylan. "Sige laaaaahhhhng!" ungol ni Dylan. Tanda na pinapayagan na niya na magpaputok ang kasintahan. Labas-masok. Labas-masok. Labas-masok. "Aggghhh! Ayan na akooooohh!" ungol ni Kaloy. Hindi na rin naiwasan hawakan ni Dylan ang sariling ari at kanyang itong sinalsal. Nakakakiliti. Hindi na rin makapigil si Dylan at ilang taas-baba pa ay sumabog na rin ang kanyang katas. Tumalsik ang limang putok ng kanyang sariwang katas sa pader ng banyo. Ramdam ni Kaloy ang pagpintig ng kalooban ni Dylan kung kaya ay pumutok na rin siya sa kalooban ni Dylan. "Ayan na ako! Ayan naaahhhhh!" ungol ni Kaloy sabay hugot sa butas ni Dylan. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pitong putok. Sunud-sunod. "Aggggghh!" ungol pa ni Kaloy. Nanatili si Kaloy sa likuran ni Dylan ng ilang minuto. Nanlalambot ang kanilang mga tuhod. Habol ang hininga. Kumalat ang sariwang katas ni Kaloy sa likuran, pisngi ng pwetan ni Dylan. "Happy New Year.." natatawang sabi ni Dylan sa kasintahan. Muling nagbuhos ang dalawa at tinapos ang pagligo. Magkatabing natulog ang dalawa sa kama. Sabay nilang sasalubungin ang bagong taon na magkasama. "Mahal kita, Dylan.." si Kaloy sabay hawak sa palad ng katabi. "Mahal rin kita, Kaloy.." sagot ni Dylan sa kasintahan.
Katulad noong Pasko ay buong-araw bukas ang kulungan para sa mga bisita ng mga preso ngayong Bagong Taon. Marami-rami rin ang kapamilyang bumisita sa mga preso. "Navarro, may bisita ka.." sabi ng bantay kay Dylan. Agad naman bumangon si Dylan sa kanyang kinahihigaan. Tulog pa si Kaloy sa kanyang tabi. "Salamat, chief!" sabi ni Dylan sa pulis na nagbabantay sa kanyang selda. Matapos maghilamos ay tumungo na siya sa visiting area. Naruon ang kanyang nanay at dalawang kapatid na babae. "Ma, Ate!" bati ni Dylan sa kapamilya. "Anak! Kamusta ka?" agad na tanong ng kanyang in. "Okay na ako, Ma!" sagot ni Dylan sabay upo na sa mesa na nakalaan sa kanyang pamilya. Maraming dala ang pamilya ni Dylan. Limang ulam, cake, mga prutas at softdrinks. "Si Papa? Kasama niyo?" muling tanong ni Dylan sa ina at mga kapatid. Ngumiti lamang ang mga ito. "Okay lang yun.." sabi ni Dylan sa kapamilya. Alam niyang may tampo pa rin ang ama niya dahil nadungisan ang kanilang pangalan. Ayaw rin naman niya ipakita ang kanyang pagkalungkot sa kanyang ina. Sinandukan niya ng pagkain ang plato ng ina nang magulat siya nang may tumawag sa kanyang pangalan mula sa kanyang likuran. "Dylan, anak.." pamilyar na boses ng lalaki. Lumundag ang kanyang puso. Alam niya na boses ng kanyang tatay yun. "Pa!" sigaw ni Dylan sabay lingon sa kanyang likuran. Agad niyang sinalubong ng yakap ang ama. "Pa, I'm sorry!" si Dylan. Matagal rin niyang hindi nakita ang ama. Simula nang hulihin siya, kinulong, hinatulan ay hindi nagpakita ang ama. Ni anino wala. "Pa, I'm sorry!" umiiyak na sabi ni Dylan. "Anak, ako ang dapat magsorry sa iyo. Pinabayaan kita!" humingi ng dispensa ang tatay ni Dylan. Matagal na yakapan ang nangyari sa pagitan ng mag-ama. Masaya naman na pinapanuod ng ina at mga kapatid ni Dylan ang dalawa.
Masayang pinagsaluhan ng pamilya ni Dylan ang mga dalang handa. "Dy, dalawang linggo na lang at makakalaya ka na.." balita ng kanyang ate sa kapatid. "Sabi ng abogado, inaayos na lang ang mga papeles at makakaalis ka na dito.." dagdag pa ni Dylan. Napangiti na lamang si Dylan ngunit sa kanyang kalooban ay nalulungkot siya. Iniisip niya na muling magkakahiwalay sila ni Kaloy. Kakaayos lamang nila at heto at muli niyang iiwan ang kasintahan. "Ipapaayos ko na ang kwarto mo, anak.." excited na sabi ng mama ni Dylan. Tumango lamang si Dylan. Masaya siya dahil makakalaya na siya. Malilinis na ang pangalan ng pamilya niya. Ngunit hindi pa rin maalis sa isip ni Dylan ang nobyo. Paano na si Kaloy? Paano na kung wala na naman siya sa kanyang tabi? Mga tanong na umaalingawngaw sa isipan ni Dylan. "Happy New Year po.." bati ng lalaki sa pamilya ni Dylan...
Susundan..
No comments:
Post a Comment