Friday, November 11, 2016

Sibakan Sa Selda part 5

Napahinto tuloy si Kaloy sa kanyang paglalaro nang marinig ang kalabog mula sa kabinet. Hubo’t hubad siyang lumapit sa kabinet at marahang binuksan ang pinto nito. Nagulat ang dalawa sa kanilang nakita. Hubad si Kaloy. Nakababa ang shorts ni Dylan. “Pucha!” anas ni Kaloy. Nang biglang dumaan muli sa paa ni Dylan ang daga. “Ay putangina!” si Dylan na napalabas na sa kabinet at nabunggo ang hubad na katawan ni Kaloy. Dahil sa salpukan nila ay natumba sila pahiga sa sahig ng banyo. Mata sa mata. Labi sa labi. Katawan sa katawan. Burat sa burat.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Walang nagawa si Kaloy kundi saluhin ang mahuhulog na katawan ni Dylan sa kanyang katawan. Napayakap si Kaloy sa katawan ni Dylan. Nagkadikit tuloy ang kanilang mga hubad na katawan nang sabay silang matumba sa sahig ng banyo. Napahiga pa sila nang hindi sinasadya. Mata sa mata. Labi sa labi. Dibdib sa dibdib. Burat sa burat. Pareho silang nanigas ng sandaling iyon. Walang gumagalaw. Walang kumikilos. Para bang nag-slow motion ang lahat. Para bang dinadama nila ang sandaling iyon. Para bang nasa pelikula lang sila. Kulang na lang ng background music. Dama ni Dylan ang lambot ng mga labi ni Kaloy sa kanyang labi. Ang matigas nitong dibdib sa kanyang dibdib. Halos sasabog na ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng pagpintig ng kanyang puso. Alam ni Dylan na nadadama iyon ni Kaloy. Lalo tuloy kumislot ang kanyang alaga na tumatama sa bayag ni Kaloy. Damang-dama niya ang katigasan ni Kaloy na tumutusok sa kanyang pusod. Napapikit na lamang si Dylan ng sandaling iyon. Hindi niya masabi kung sa kakahiyan ba o sa sarap na nadarama.

“Oh fuck!” sambit ni Kaloy nang may maramdaman na mainit na likido sa kanyang katawan. Dahil sa pagkislot ng naninigas na alaga ni Dylan ay tumagas ang kanyang precum. Mabilis na tinulak ni Kaloy ang katawan ni Dylan. Mabilis na rin ang reaksyon ni Dylan at napaalis na rin siya sa ibabaw ni Kaloy. “Kaloy, di ko sadya..” mabilis na paumanhin ni Dylan. Pumunta agad si Kaloy sa ilalim ng shower at binanlawan ang katas ni Dylan sa kanyang katawan. Habang si Dylan ay nakayuko pa rin sa isang gilid ng banyo. Suot na ang shorts nito ngunit halata pa rin ang bakas ng basang briefs. Natapos si Kaloy sa pagligo at nakaupo pa rin si Dylan sa sahig ng banyo at nakayuko. Parang bata na may nagawang malaking kasalanan. Hanggang may isang kamay na pumwesto sa kanyang mukha.  “Tumayo ka na dyan.. Baka bumalik pa sila Boyong rito..” si Kaloy na ngayon ay nakatapis na ng twalya. Lantad pa rin ang mala-adonis nitong pangangatawan. Tumutulo ang mailing-ilang butil ng tubig sa kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan. Napanganga na lamang si Dylan. “Hoy!” gising ni Kaloy sa napatungangang si Dylan. Mabilis na inabot ni Dylan ang palad ni Kaloy at tinulungan ang sariling tumayo. “Kaloy, sorry kani..” hindi na natapos ni Dylan ang sasabihin dahil mabilis na siyang tinalikuran ni Kaloy. Napakamot na lamang si Dylan sa kanyang ulo at sumunod na rin kay Kaloy.

“Oh Dylan. Naligo ka pala ah..” bungad ni Erwin na ngayon ay nakahiga sa kanyang kama. “Oo. Buti nga at nakatyempo ako nang walang masyadong tao sa banyo..” si Dylan sabay suot sa bagong tshirt. “Sabay na lang nating labhan yang marurumi mo bukas. Delikado na kasi pag gabi sa banyo. Alam mo na..” si Erwin na para bang may gustong ipahiwatig. Ngayon alam na niya ang gustong sabihin ni Erwin. Muli tuloy naalala ang nangyari sa lalaki at kay Boyong kanina. Kitang-kita niya kung ano ang gustong sabihin ni Erwin. “Wag mo nang alalahanin yan. Siguro naman ngayon alam na niya ang mga nangyayari sa matitigas ang ulo dito!” biglang sumabat si Kaloy habang nagsusuot ng shorts. Napakagat-labi na lamang si Dylan nang marinig ang komento ni Kaloy. Muli siyang napayuko. “Etong si Kaloy oh. Ang init ng dugo kay Dylan..” si Tikboy. “Bahala na nga kayo dyan! Binebaby niyo kasi yan! E ang tingin naman sa inyo halang ang mga kaluluwa..” sabi ni Kaloy bago lumabas sa selda nila. Sapul si Dylan sa sinabi ni Kaloy. Tama nga naman ang sinabi nito. “Pagpasensyahan mo na yun iho.. Ganun talaga yun..” si Mang Tonyo. “Oho..” si Dylan na napatungo na lamang.

“Dylan, nuod tayo ng basketball mamaya ah..” yaya ni Erwin kay Dylan habang pabalik sa kanilang selda. Kakatapos lang kasi nila mananghalian nang oras na iyon. “Ah. Eh tignan natin.. Si Kaloy ba naglalaro sa basketball?” pasimpleng tanong ni Dylan. “Dati. Pero nang dumating ang grupo nila Bro. Gino dito e, dun na sa grupo naging busy si Kaloy..” sabi pa ni Erwin. “Bro. Gino?” ulet ni Dylan. “Oo. Mabait yun tsaka gwapo pa..” komento pa ni Erwin. “Ah edi dun muna tayo pumunta bago manuod ng laro..” si Dylan. “Eh wala naman ako hilig sa mga ganun e..” sagot ng kaibigan. “Sige na.. Samahan mo na ako dun. Hindi ko pa kasi kilala ang mga naruon..” si Dylan. Napakamot na lamang si Erwin. “Sige. Pero samahan mo ako sa panunuod ng basketball ahh..” si Erwin. Dama ni Dylan na may kakaiba kay Erwin. May naaamoy siyang kakaiba. Malansa. Pareho sila. Para bang pareho sila ng kulay ng dugo. May pagka-silahis rin ang ka-selda nito. Muli niyang naalala ang bestfriend niyang si Lester. Muli siyang nakadarama ng pananakit sa dibdib.

Flashback.

“Dylan!” sigaw ni Lester habang hinahabol siya nito. Third year na sila nun sa kursong Nursing. Kakatapos lang nila kumuha ng midterm exams. “Oh bakit?” sagot ni Dylan nang mahabol siya ng tumatakbong kaibigan. “Uuwi ka na ba?” humihingal na tanong ni Lester. “Oo e. Ansakit na kasi ng ulo ko sa exams natin kanina..” sagot ni Dylan. “Huwag muna, please.. Samahan mo na muna ako manuod ng basketball game. Laban kasi ng College of Law at Engineering e..” si Lester sabay kindat sa bestfriend. Kung hindi lang kilala ni Dylan si Lester ay magugulat ito sa ginawa nito. Lalaking-lalaki kasi si Lester kumilos at magsalita. Walang makakapagsabi na lalaki rin pala ang gusto nito. Kay Dylan lang kumportable magkwento at umarte nang ganun si Lester. Napatawa naman si Dylan sa inarte ni Lester. Baklang-bakla kasi. “So yang ngiti mong yan ibig sabihin yes?! Yeeeeeeeees!” tili ni Lester. Buti na lamang at walang mashadong tao sa lugar nila. “Tumigil ka nga. Mahalata ka dyan. Lagot ka sa tatay mo. Halika na at baka wala na tayong maupuan..” si Dylan sabay hila sa matalik na kaibigan.

“Sino ba kasi chinecheer mo dito?” tanong ni Dylan. Fourth quarter na ng mainit na laro sa pagitan ng Law at Engineering. Maraming estudyante ang nanunuod. Puno ang gymnasium ng eskwelahan. Bakit hindi mapupuno panay makikisig ang mga manlalaro sa dalawang departamento. “Basta makikilala mo rin siya..” si Lester na excited na nanunuod ng laban. Sa araw na iyon unang nasilayan ni Dylan si player number 7 ng College of Law. Matangkad. Maskulado. Moreno. Magaling humawak ng bola. KAPITAN ang nasa likod ng kanyang jersey. Napahanga agad ng lalaking iyon si Dylan. Hindi lang sa kakisigan nito kundi sa kagalingan nitong maglaro ng sports na iyon. “Wooooooooh!” sigaw ni Lester nang makashoot si Kapitan ng three points. “Aha! Mukhang kilala ko na kung sino ang type mo dyan..” natatawang pang-aasar ni Dylan kay Lester.

Natapos ang laban. Nanalo ang kupunan ng CoL. “Bes, halika. Samahan mo ako sa baba..” si Lester sabay hatak kay Dylan. Wala na nang nagawa si Dylan kundi ang mapasunod sa bestfriend. Hanggang marating nila ang bench ng mga varsity ng CoL. “Von!” sigaw ni Lester mula sa mga bleachers. “Pare!” salubong naman ni Von sa kapitbahay. “Congrats pare. Ang galing mo kanina..” si Lester sabay kamay sa lalaking nakasuot nang jersey number 7. “Tsamba lang yun e..” sabi ni Von. Natawa naman si Lester sa sagot ni Von. Pero iba ang dating nun kay Dylan. May yabang. May pagka-hangin. “Ay syanga pala. Kaklase ko. Dylan, si Von. Von, si Dylan..” si Lester sabay tulak kay Dylan palapit kay Von. Bigla tuloy napangiti si Dylan. Pilit na ngiti. “Hi. Nice meeting you..” si Von sabay abot sa kamay ni Dylan.

May kakaiba sa pagdikit ng kanilang palad. Mainit. Mahigpit. May munting mga boltaheng dumaloy sa pagitan nila. Alam ni Dylan na hindi lang siya ang nakadarama nun. Pati si Von. Matamis na ngiti lamang ang iginanti ni Von kay Dylan nang nakadama siya ng pagkailang. Agad niyang kinuha ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Von sa kanya. “Lester, uwi na ako.. Baka hinahanap na ako ni Mama..” paalam ni Dylan sa kaibigan. “Uwi ka na? Sama ka na sa bahay may konting party.. Tutal naman at tapos na ang exams natin..” yaya ni Von kay Dylan. “Oo nga, Dylan. Sumama ka na. Para hindi ako ma-OP dun..” si Lester na para bang nagmamakaawa. “E baka kasi hinahanap na ako ni Ma..” si Dylan na hindi na natapos dahil sa sinabi ni Lester. “Wag mo nang alalahanin si tita. Papaalam na lang kita.. Please Dylan..” si Lester.

Hindi na nga nakatanggi si Dylan at napasama na siya sa bahay nila Von. Sa kotse ni Von sila nakisabay. Si Lester katabi ni Von na nagmamaneho habang si Dylan ay nasa likod at nakikinig lamang sa mga kwentuhan nila. Tawanan. Asaran. Parang mga bata ang dalawa. “Oh Dylan. Okay ka lang ba dyan?” pangangamusta ni Von sa kasama. “Yeah thanks..” tanging sagot ni Dylan sabay pasak ng earphones sa kanyang tenga. Nayayabangan kasi si Dylan kay Von. “Oo nga, gwapo at magaling magbasketball ang mokong na to pero kung makasabi ng tsamba lang yun. Hindi na lang magpasalamat sa papuri. Ang yabang!” inis na bulong ni Dylan sa sarili.

Wala pang trenta minutos at narating na ng grupo ang bahay nila Von. Pamilyar ang bungad ng bahay. May mga bodyguards sa gate. Napakagat na lamang si Dylan nang makita niya ang mansion nila Von. Agad na pinark ni Von ang kotseng minamaneho at pinagbuksan si Dylan ng pinto. “Salamat..” tanging nasabi ni Dylan. Bumaba na si Dylan at pinagmasdan ang ganda at lawak ng bahay ng pamilya ni Von. Manghang-mangha siya. “Welcome to my home sweet home..” bulong ni Von kay Dylan. Napansin ni Von na nakakanganga si Dylan. Parang batang nakakita ng palasyo. Natawa naman siya sa itsura ni Dylan. “Isara mo na yang bibig mo at baka pasukan ng langaw..” pang-aasar ni Von na tumabi sa nakangangang si Dylan. Napalunok naman si Dylan at agad na iniwan si Von. Agad siyang lumapit sa kaibigang si Lester. Hindi dahil sa pagkapahiya niya kay Von kundi dahil may kakaiba siyang naramdaman nang dumampi ang labi ni Von sa kanyang tenga. May kiliti. May kuryente.

 “Parang pamilyar tong bahay. Parang nakita ko na somewhere..” bulong ni Dylan sa kaibigan. “Natural, anak ni Mayor Felicita si Von..” si Lester na para bang proud na proud kay Von. “Haaa?!!” si Dylan. “Oo. Anak siya ni Mayor . Tapos sinusungitan mo..” natatawang sabi ni Lester. “Guys pasok na kayo..” yaya ni Von sa grupo. Kasama nila ang mga team mates ni Von at ang mga ilang kaklase nito. Pumasok sila sa isang kwarto sa mansion. Malaki iyon. May pool table. May arcades. May videoke. May minibar. “Pagpasensyahan niyo na at masikip lang dito..” si Von. Muling nayabangan si Dylan kay Von. “Whaaaaaaat!? Masikip na ito para sa kanya.. Ang yabang talaga! Kasya na trentang tao dito e..” sa isip muli ni Dylan kontra kay Von. Nagsimula na nga ang party. Inuman. Asaran. Kantahan. Kantyawan. Kainan.

Alas diyes na ng gabi nang tumawag ang mama ni Dylan sa kanya. “Lester, pinapauwi na ako ni Mama..” paalam ni Dylan kay Lester. Lasing na ang kaibigan. Halata ni Dylan. May katabi si Lester na team mate ni Von. May itsura rin. Matangkad. Pero mas lamang pa rin si Von. Nakaakbay yung team mate ni Von kay Lester. Nagbubulungan pa ang dalawa. “Uwi na ako, Lester..” ulit muli ni Dylan sa kaibigan. “What!? Pleashe don’t leave me, beshtfriend. I need you..” si Lester na natatawa pa. “Uwi na tayo. Lasing ka na..” pangungulit ni Dylan sa kaibigan. “No! I don’t want. I want here. With you. With him. And him. And him..” si Lester na tinuturo ang mga gwapong teammates ni Von. “Shhhh..” agad na saway ni Dylan sa matalik na kaibigan. Halata na kasi si Lester na isa siyang silahis. Alam ni Dylan na medyo lasing na rin siya pero kaya pa niyang ikontrol ang sarili. “Please Lester, umuwi na tayo..” si Dylan na hinihila na si Lester mula sa katabi nitong lalaki. “No! Ayoko! Kung gusto mong umuwi, umuwi ka. Hwag mo kong pakielaman!” si Lester sabay tulak sa kaibigan.

“Fine!” naasar na rin si Dylan sabay kuha na sa kanyang bag. Agad niyang hinanap si Von upang magpaalam ngunit wala siya sa kwarto. Lumabas siya at nakakita ng katulong. “Ah. Excuse me po. Si Von po?” tanong ni Dylan sa matandang babae. “Ay si sir Von po? Pumunta po sa kwarto niya..” sagot nito. “Ah magpapaalam lang po sana ako na uuwi na..” si Dylan. “Ay sige. Samahan na lang po kita sir..” sagot ng matanda. “Nako. Wag niyo na po ako sinisir. Simpleng tao lang naman po ako e..” si Dylan habang sumusunod na sa matanda. Narating nila ang second floor ng bahay. Marangya talaga ang bahay ni Von. Mamahalin ang mga mwebles. Nakakatakot makabasag. “Ayan na ang kwarto ni sir Von..” sagot ng matanda sabay iwan na kay Dylan sa tapat ng kwarto ni Von. “Salamat ho..” si Dylan.

Kakatok na sana si Dylan nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Von. “Maa!” putol na sigaw ni Von nang makita niya rin ang nagulat ding si Dylan sa tapat ng kanyang pinto. Nakatapis lamang siya ng twalya. Basa ang katawan. Bagong paligo. Amoy ni Dylan ang mamahalin scent ng sabon at shampoo na ginamit ni Von. “Oh Dylan..” si Von. “Ah-eh. Ah-Ahmmm.. M-ma-magpapaalam na s-sana ako. P-pa-pauwi na ka-kasi ako..” nauutal pang sabi ni Dylan. Bigla siyang kinabahan sa presensya ni Von. Hindi niya alam kung bakit. Dahil ba nakainom siya at may kaharap siyang isang Adonis na katulad ni  Von. Tumawa lang ng malakas si Von sa reaksyon ng kaharap. Nakakaasar na tawa. Nakakainsultong tawa. Napikon si Dylan sa inasal ni Von kung kaya tinalikuran niya ito at akmang aalis na. Napatigil lang siya nang may isang kamay na kumapit sa kanyang braso. Mahigpit. Mahirap takasan. Lumingon siya kay Von. Seryoso ang tingin nito sa kanya. Muntikan na siyang malunod sa titig ni Von sa kanyang mga mata.

“Bakit?” tanging natanong ni Dylan. Mabilis na hinila ni Von si Dylan papasok sa kanyang kwarto. Isinara nito ang pinto ng kanyang kwarto. Isinandal niya si Dylan sa pinto. Nakaharang ang dalawang braso ni Von sa katawan ni Dylan. “I’m sorry for being rude. I’m not like that, Dylan. I don’t know what’s happening to me but one thing is for sure, I want to know you more and I’m interested in you..”  diretsang sabi ni Von sabay halik sa labi ni Dylan. Iiwas sana si Dylan ngunit hindi na niya nagawa. Napapikit na lamang siya at sumagot sa halik ni Von. Naramdaman na lamang niya ang kamay ni Von sa likuran ng kanyang ulo. “Uhmmmm..” ungol ni Dylan. Si Von na ang huminto sa kanilang halikan. “Why?” tanong ni Dylan. “Sorry Dylan. Pero I need to stop baka kasi ano na magawa natin e. Ayoko naman na sex agad tayo nang hindi pa tayo nagde-date..” si Von sabay kindat kay Dylan. “Sus, yabang!” si Dylan na nangingiti. Hindi na asar ang kanyang nadarama. Kundi kilig.

Back to reality.

“Huy Dylan! Bakit ka napapangiti dyan!” gising sa kanya ni Tikboy. Nananaginip pala siya ng gising at nahuli siya ni Tikboy. “Oy Tikboy!” si Dylan na napabangon na sa kanyang kama. “Halika na. Nauna na si Erwin sa basketbulan..” si Tikboy. “E hindi ako dun pupunta. Sa grupo ako nila Bro. Gino..” si Dylan. “Sayang dapat pala sumabay ka na kay Kaloy. Papunta na siya ruon e. Bilisan mo riyan at nang mahabol natin yun..” si Tikboy. Agad na tumayo si Dylan at isinuot ang tsinelas. Narating nila ang recreational area kung saan nag-titipon ang grupo ni Bro. Gino. May mga lalaking naka-polo shirt na puti. Siguradong kasama sila ng Gino. “O iwan na kita dito ah. Baka nagsimula na ung laban e..” si Tikboy. “Sige salamat, Tikboy..” sagot naman ni Dylan.

May kinseng preso ang naruon. Kung hindi matanda ay yung mga presong patpatin ang naruon. “Magandang hapon sa iyo, iho..” bati sa kanya ng isang naka-polo. Matanda na ito. “Hi. Paano ba sumali sa grupong ito?” si Dylan. “Madali lang yan iho. Pumarito ka lamang tuwing hapon, mula Lunes hanggang Sabado. Tapos tuwing Linggo may misa kame..” sabi ng matanda. “Aaahh ganun ho ba. Sige ho gusto ko pong sumali rito..” si Dylan. “Mabuti kung ganuon. Ako nga pala si Bro. Rony..” pakilala ng matanda. “Nice to meet you po. Ako ho nga pala si Dylan, bago lang ho..” sagot ni Dylan. Pasimpleng hinahanap niya si Kaloy sa lugar ngunit hindi pa niya nakikita si Kaloy sa kwartong iyon. “Halika rito at magpinta ka ng pigurin..” yaya ng matanda kay Dylan. Kumuha ng mga materyales si Dylan upang simulan pintahan ang isang pigurin. Kinse minutos na rin siyang nagpipinta ngunit wala pa ring Kaloy siyang nakikita. Nayamot na siya sa kanyang ginagawa. Hindi na niya napigilan ang hindi magtanong.

“Kuya, si Kaloy ho ba, napunta na rito?” tanong ni Dylan sa katabi. “Ay oo! Naruon siya sa opisina ni Bro Gino..” sagot ng isang matandang preso. “Saan ho ba yung opisina ni Bro. Gino?” tanong muli ni Dylan. “Lumabas ka sa pintong yan. Unang kwarto sa kanan mo, naruon ang kwarto ni Bro. Gino..” sagot pa ng matanda. “Salamat ho..” si Dylan sabay tayo mula sa kinauupuan niya. “Tapos na po..” si Dylan sabay abot sa pigurin na napintahan na niya. “Ilagay mo na dun sa drying area para matuyo tas kumuha ka na lamang ulit ng pigurin..” sabi ng Bro. Rony. “Sige ho. Pero magbanyo na lang po ako..” palusot ni Dylan. Lumabas siya ng kwarto at nakita niya nga na bukas ang ilaw sa unang kwarto sa kanan. Dahan-dahan siyang lumapit dito. Tama nga ang matanda, naruon nga si Kaloy at yung Bro. Gino. Dinig niya na nag-uusap ang dalawa.

“Kaloy, tigilan na natin to. Hindi na to tama..” dinig ni Dylan mula sa loob ng silid. Napakagat si Dylan sa labi. Lalo tuloy siyang na-curious sa pinaguusapan ng dalawa. “Tigilan? Bakit? Hindi ka na ba masaya sa akin? Dahil may nakilala ka na sa labas?” tinig yun ni Kaloy. Mukhang galit na naman. “Yan ka nanaman Kaloy!” si Gino. Halatang inis sa kausap. “Anong yan na naman ako, Gino!” matigas na sabi ni Kaloy. Nakarinig siya ng kalabog mula sa loob. Halata na sa boses nito ang galit. Tumahimik sa loob. Ilang minuto pa nang marinig niyang magsalita si Kaloy. Umiiyak. Halata sa boses. “Sabihin mo lang na hindi mo na ako mahal at kusa na akong lalayo sayo..” si Kaloy.  “Lumabas ka na, Kaloy..” si Gino.

Nagulat si Dylan sa kanyang naririnig. Si Kaloy at Bro. Gino, may relasyon..

SUSUNDAN..

©firemakerJD

No comments:

Post a Comment