“Kaloy, tigilan na natin to. Hindi na to tama..” dinig ni Dylan mula sa loob ng silid. Napakagat si Dylan sa labi. Lalo tuloy siyang na-curious sa pinaguusapan ng dalawa. “Tigilan? Bakit? Hindi ka na ba masaya sa akin? Dahil may nakilala ka na sa labas?” tinig yun ni Kaloy. Mukhang galit na naman. “Yan ka nanaman Kaloy!” si Gino. Halatang inis sa kausap. “Anong yan na naman ako, Gino!” matigas na sabi ni Kaloy. Nakarinig siya ng kalabog mula sa loob. Halata na sa boses nito ang galit. Tumahimik sa loob. Ilang minuto pa nang marinig niyang magsalita si Kaloy. Umiiyak. Halata sa boses. “Sabihin mo lang na hindi mo na ako mahal at kusa na akong lalayo sayo..” si Kaloy. “Lumabas ka na, Kaloy..” si Gino.
-----------------------------------------------------------------------------------------------
“Yan ba ang magpapasaya sa’yo, Gino?” seryosong tanong ni Kaloy kay Gino. Hindi agad nakasagot si Gino sa tanong ng kaharap. Mabigat sa dibdib. Pero kailangan gawin. Kahit masakit. Kahit mahirap. Alam ni Gino na kailangan na niyang tapusin ang relasyon kay Kaloy. “Please Kaloy. Don’t ask stupid questions like that..” sagot ni Gino. “Letse naman Gino! Hindi yan ang hinihintay kong sagot!” si Kaloy na may kasamang dabog. Masakit kay Kaloy ang hindi diretsang sagot ni Gino sa tanong niya. Hindi ganun si Gino. Lagi itong straight to the point. “Let me ask you again, Gino. Ang paglayo ko ba sayo ang magpapasaya sayo?” si Kaloy sabay ang malalim na paghinga. Alam ni Kaloy na hindi pa siya handa sa sagot ni Gino sa tanong niya pero kailangan na niya itong marinig. Ngayon na dapat. “Oo Kaloy. Kailangan na natin tigilan to..” si Gino na hindi na napigilan ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Tumalikod si Gino kay Kaloy upang hindi siya makita na umiiyak. “Patawarin mo ako Kaloy..” si Gino.
Dinig na dinig ni Dylan ang lahat ng pinagusapan ng dalawa. Hindi alam ni Dylan kung bakit biglang sumikip ang kanyang paghinga. Bigla bang nanakit ang kanyang dibdib. Nahirapan tuloy siyang huminga nang oras na iyon. Muli niyang inilapat sa pinto ang kanyang tenga upang pakinggan muli ang dalawa. Pero tahimik na sa loob. Wala nang nagsasalita. Nagulat si Dylan nang biglang bumukas ang pinto at lumabas si Kaloy mula rito. Nagkaharap si Kaloy at Dylan. Kitang-kita ni Dylan ang ekspresyon sa mukha ni Kaloy. Kakaiba ang itsura. Wala ang angas sa mukha nito. Wala yung Kaloy na mayabang at presko. Pero may ibang Kaloy na nakita si Dylan. Ang mahinahong si Kaloy. Ang Kaloy na nasasaktan din. May lungkot sa mga mata nito. “Kaloy..” ang tanging nasabi ni Dylan. Gusto niya sanang sunggaban si Kaloy pero hindi niya magawa.
Hindi siya pinansin ni Kaloy at dinaanan lamang siya nito na parang wala siya sa harapan nito. Dumiretso si Kaloy sa loob ng working area at naiwan si Dylan sa hallway. Sumunod na rin si Gino na lumabas ng kwarto. Halata ang pamumula ng mata ng lalaki. Gwapo pala ang mokong. Matangkad. Nasa 5’8 ang taas. Maputi at makinis. Halatang mayaman ang lalaki. Katamtaman ang pangangatawan. “Yes, anong kailangan nila?” agad na tanong ni Gino kay Dylan. “Hi. Uhmmm. Hinahanap ko kasi yung banyo dito..” agad na alibi ni Dylan. “Yung ikalawang pinto. Yan yung banyo..” turo ni Gino sabay talikod na rin kay Dylan. “Salamat sir..” si Dylan.
Agad na hinanap ni Dylan si Kaloy sa work room. Ngunit wala ang binata sa loob. Papaalis na sana siya ng kwarto nang bigla siyang tawagin ni Bro. Rony, ang matandang sumalubong sa kanya kanina. “Dylan, iho..” tawag ni Bro. Rony. “Po!?” si Dylan na napakamot sa kanyang ulo. Gusto niya sanang makita si Kaloy at tingnan kung ayos lang ito. “Halika at ipapakilala kita kay Bro. Gino..” sabi pa ni Bro. Rony. “Ah sige po..” si Dylan na hindi na nakatanggi sa matanda. Lumapit agad ang dalawa kay Gino na nakaupo sa lamesa na nasa gitna. May isinusulat ito sa isang libro. “Bro Gino, ito nga pala si Dylan. Bagong pasok lang siya rito at gusto niyang sumali sa ating grupo..” panimula ni Rony. Tumayo si Gino upang kamayan si Dylan. “Ah nakita ko na nga po siya Bro. Rony sa likod. Nice meeting you Dylan..” si Gino sabay abot sa kanyang kamay. Pilit na ngiti ang iginanti ni Dylan sabay abot sa kamay ng binata. “Salamat at sumali ka sa aming grupo. Kailangan nga namin ng madaming tao para sa mga paparating na orders..” si Gino. “Walang anuman. Gusto ko rin naman na may pagkalibangan..” si Dylan. “Ah sige. Mauna na muna ako at may pinangakuan kasi ako na sasamahan na manuod ng liga ngayon. Baka bukas na lang ako bumalik..” dagdag pa ni Dylan bago tuluyan iwanan ang dalawang brother. “Ah sige mag-iingat ka..” si Bro. Gino.
Nagmamadali siyang hanapin si Kaloy. Agad niyang pinuntahan ang basketball court. Ngunit napakaraming tao ruon. Imposible niyang makita ruon si Kaloy. Imposible na pumunta ruon si Kaloy sa ganung sitwasyon. Sunod niyang pinuntahan ang silid-kainan. Naruon ang ilang matatandang preso at naghahanda ng mga lamesang gagamitin mamayang hapunan. “Manong, nakita niyo ba si Kaloy?” tanong ni Dylan sa isang matandang preso. “Naku iho. Hindi niya oras sa gawaing-pangkusina e..” sagot nito. “Ay salamat po..” si Dylan. “Subukan mo sa chapel. Baka naruon yun at nagprapraktis tumugtog ng gitara..” dagdag pa ng matanda. Napangiti si Dylan at possible nga na naruon si Kaloy sa oras na iyon. “Sige po. Maraming salamat ho uli..” si Dylan.
Sa kakamadali niya ay nakalimutan niyang itanong kung saan ang chapel. “Shit!” si Dylan at muli siyang bumalik sa selda upang tanungin si Mang Tonyo kung saan ang chapel. Mabilis niyang tinungo ang selda nila. Naruon nga si Mang Tonyo at nagpapahinga. “Mang Tonyo, san ho ba ang chapel rito?” si Dylan. “Bakit mo naman naisipan pumunta sa chapel?” si Tonyo. “Wala lang ho. Gusto ko lang sana malibot to. Para hindi na rin ako mawala..” si Dylan. Hindi niya sigurado kung nahalata ni Mang Tonyo ang pagdadahilan niya. “Umakyat ka sa third floor. At naruon ang chapel..” si Mang Tonyo. “Maraming salamat, Mang Tonyo..” si Dylan na agad bumangon upang puntahan si Kaloy.
Pabalik na sana siya nang biglang nakasalubong niya ang grupo ni Boyong. “Patay!” si Dylan na akmang iiwasan ang grupo na iyon. “Teka! Teka!” si Boyong na agad siyang kinorner. Naghanap siya nang tutulong sa kanya ngunit wala ni isang gwardya ang naruon. Lima sila. Isa lang siya. Talo siya kung sakali. “Bakit? Anong kailangan mo?” nagtatapang-tapangan tanong ni Dylan. “Aba! Matapang boss..” sabad ng isang lalaki na kasama ni Dylan. Nakakatakot ang mamang iyon. Napakalaki ng katawan at tadtad ng tattoo sa katawan. “Shhhh! Wala naman akong masamang gagawin sa iyo e..” si Boyong sabay himas sa labi ni Dylan. Agad naman tinapik ni Dylan ang kamay ni Boyong. “Matapang talaga boss o..” sabi pa ng isa na akmang susugurin sana si Dylan. “Ooops Jojo. Huwag na huwag mong pagbubuhatan ng kamay itong batang to..” pigil ni Boyong sa lalaking susugod sa kanya. Hinihimas na ni Boyong ang mga braso niya. Kinu-kurot-kurot pa.
“Bitawan mo ako, Boyong!” si Dylan na akmang aalis na. Tinulak niya si Boyong palayo sa kanya. “Teka nga! Huwag na huwag mong tatalikuran ang boss namin..” pigil ng lalaki sa kanya. Hinawakan siya sa braso ng lalaki at pinaharap muli kay Boyong. “Aray! Nasasaktan na ako..” si Dylan. Parang binabali na kasi ng lalaki ang mga braso niya. Nangiti naman si Boyong sa harapan niya. Lalong ipinagdikit ni Boyong ang harapan niya sa katawan ni Dylan. Ramdam na ngayon ni Dylan ang katigasan ni Boyong. Dama na niya ang kabruskohan ng katawan ni Boyong. “Ayan ang mga gusto ko.. Yung mga pumapalag..” si Boyong sabay kapit sa bewang ni Dylan at ipinalapit pa sa kanyang katawan. Nagtawanan naman ang apat pa nitong kasama. Inamoy ng lalaki sa kanyang likuran ang kanyang leeg. “Ang bango pa nito boss..” sabi ng lalaki na nakahawak sa kanyang mga braso. “Tarantado!” si Boyong sabay batok sa lalaki. “Inunahan mo pa akong papakin yan!” si Boyong.
“Bitawan niyo na nga ako! Mga hayop!” si Dylan na sumisigaw na para may makarinig na sa kanya. Nagtawanan ulit ang lima. “Anong akala mo! May tutulong sayo? Nakikita mo ba kung sino kame..” si Jojo sabay flex sa gabundok niyang muscle sa braso. “Shhh.. Tumahimik kayo..” si Boyong. “Kaya ikaw Dylan, kung papayag ka na maging akin. Walang gagalaw sayo dito. Masusunod ka palagi. Ikaw ang boss..” dagdag pa ni Boyong. Inilapit ni Boyong ang mukha niya sa mukha ni Dylan na akmang hahalikan na sa labi. Dinuraan niya si Boyong sa mukha. “Putangina mo! Kadiri ka!” si Dylan. Nagulat naman ang mga kasama ni Boyong. Wala pang nakakadura kay Boyong sa looban. Si Dylan palang ang una. Walang reaksyon ang mukha ni Boyong. “Ramon, bitawan mo na yan..” utos ni Boyong sa maskuladong nakahawak sa mga braso ni Dylan. “Pero boss..” si Ramon. “Sabi ko bitawan niyo na yan..” si Boyong.
Nagulat si Dylan sa inasal ni Boyong. Akala niya na sasampalin siya nito. Sisikmurahan. Tatadyakan. Ngunit wala itong ginawa kundi utusan si Ramon na bitawan na siya. “Shit..” bulong ni Dylan sa sarili. Napakagat labi si Dylan. Hindi naman ubod ng pangit si Boyong. Konting ayos at linis lang kay Boyong ay may ibubuga na ito. Pwede nang Mr. Pogi ng Bilibid 2012. Kung hindi lang sasali si Kaloy sa pagwapuhan na iyon. “Hali na kayo..” tawag ni Boyong sa apat nitong kasama. “Yari ka..” banta ni Ramon kay Dylan bago tuluyan iwanan ito. “Mga walang kwenta!” sigaw pa ni Dylan bago tuluyang umalis ang grupo ni Boyong.
“Shit! Si Kaloy!” si Dylan at agad naman umakyat sa 3rd floor. Marahan pumasok si Dylan sa loob ng chapel. Naruon nga si Kaloy. Nakatalikod sa kanya. Hawak ang isang gitara habang nakatingin sa papel na nakalapag sa mesa. Umupo si Dylan sa upuan sa likuran. Gusto niyang pagmasdan si Kaloy. Nagsimula si Kaloy na patugtugin ang gitarang hawak.
“Buhay pa ang ala-ala,
Bukas pa ang sugat.
Bitbit ang bigat sa puso
Kahit saan mapadpad.
Tumakbo sa kawalan
Nagsumbong sa kalangitan
Nawala nang pangalan
Pinalit ay katanungan..”
Hindi alam ni Dylan kung bakit may namumuong luha sa kanyang mga mata. May parang kumukurot sa kanyang puso. Damang-dama ni Dylan ang kantang kinakanta ni Kaloy sa oras na iyon. Dama niya ang kalungkutan ni Kaloy. Dama niya ang sakit na nararamdaman ni Kaloy sa oras na iyon. “Ano na naman ang ginagawa mo rito..” mahinahong tanong ni Kaloy. Nagulat tuloy si Dylan sa kanyang kinauupuan. “Ah-eh. Magdadasal..” si Dylan. “Tama yan. Para patawarin ka na ng napatay mo..” nangingiting sabi ni Kaloy. “Ang kulet nito. Hindi nga ako pumatay..” si Dylan na tumayo na upang lapitan si Kaloy sa kinauupuan nito. “E sino? Yung alaga niyang aso..” si Kaloy. “Oo. Ang hayop na aso na iyon ang pumatay!” si Dylan. Natawa naman si Kaloy sa naging reaksyon ni Dylan. Napangiti rin naman si Dylan dahil sa wakas nakita na niyang nangiti si Kaloy. Lalo tuloy lumakas ang kagwapuhan nito.
“O bakit ka ganyan makatingin?” si Kaloy. “Wala. Ngayon lang kasi kita nakitang ngumiti.. Alam mo ganyan ka lang palagi at siguradong marami ang magkakagusto sayo..” si Dylan. “What the?! Wag na no. Kung sina Tikboy lang ang magkakagusto sa akin..” si Kaloy. “Sama mo..” si Dylan sabay hampas sa braso ni Kaloy. “Oo masama talaga ako..” si Kaloy na seryoso na ulit. Napayuko si Kaloy. Tahimik ulit. Pinapakiramdaman ni Dylan si Kaloy. “Sorry. Hindi naman yun ang ibig kong sabihin..” si Dylan. “No, its okay. Alam ko naman na masama ako e..” si Kaloy. “Tama. Masama ka naman talaga e. Unang araw ko nga dito, binully mo na ako..” si Dylan. Natawa naman si Kaloy sa inaasal ni Dylan.
“Teka! Ano yung kinakanta mo?” si Dylan sabay kuha sa papel na hawak ni Kaloy. “Akin na nga yan..” si Kaloy na napayakap na kay Dylan. Napatigil sila sa ganung posisyon. Nakayakap si Kaloy sa katawan ni Dylan habang magkaharap ang mga mukha nila. Ilang segundo rin ang itinagal ng posisyon na iyon. “Akin na nga to..” si Kaloy na ang bumasag sa katahimikan nila. “Ikaw ba ang sumulat niyan?” si Dylan. “Oo. Kanina ko lang sinulat. Pero hindi pa tapos to..” si Kaloy. “Nice. Ang ganda rin pala ng boses mo ah..” si Dylan. “Naman. Kaya nga madaming naiinlove sa akin e..” si Kaloy sabay labas ng killer smile niya. Napangiti naman si Dylan. “Para kay Gino ba yan..” hindi sinasadyang sabi ni Dylan. Biglang naiba ang mood ni Kaloy. Hindi na rin ito nagsalita. Naging seryoso muli ang mukha ng binata. Inayos lang ni Kaloy ang gitara at mga papel na sinulatan at saka tumayo na. “Kaloy, sorry..” si Dylan. “Halika na at maghahapunan na..” si Kaloy na balik ulit sa dati.
Hatinggabi na. Nasa kanya-kanyang selda na rin ang mga preso. Nakahiga na si Dylan sa matigas niyang kama. Hindi parin siya makatulog nang gabing iyon. Madami siyang iniisip. Isa na ruon ang nalaman niyang sikreto ni Kaloy. Nilingon ni Dylan si Kaloy na nakahiga sa kabilang kama. Walang suot na pang-itaas. Nakatakip ang isang braso nito sa mga mata nito habang ang isa ay nasa bandang tiyan niya. Medyo nakabuka ang mapupulang labi ni Kaloy. Gusto niya sanang lapitan ang binata at tabihan ito sa pagtulog pero hindi pwede. Gusto niyang aluhin si Kaloy sa kanyang nararamdaman pero hindi pwede. Napailing na lamang si Dylan sa kanyang kama at muli niyang sinubukan matulog.
Wala pang trenta minutos na nakakatulog si Dylan nang may maramdaman tumutusok sa kanyang tagiliran. Agad siyang nagising at akmang sisigaw. Ngunit mabilis ang kamay ng lalaki na nasa tabi niya. Agad natakpan ang kanyang bibig upang hindi siya makasigaw. Malaking mama ang naruon sa tabi niya. Hindi lang isa kundi tatlo sila. Hindi makapalag si Dylan sa oras na iyon. “Bata, huwag ka masyadong malikot. Baka matarak ko tong patalim sa tagiliran mo..” sabi ng lalaki. Hindi niya malaman kung sino ang hinayupak na ito. Agad naman binuhat nila si Dylan palabas ng kanyang kama. Nararamdaman ni Dylan na tumutusok ang isang matulis na bagay sa kanyang tagiliran kung kaya hindi na siya pumalag.
Dahil magkalapit lamang ang selda ni Dylan sa banyo ay mabilis na naisama siya ng tatlong lalaki sa banyo. Madilim sa loob ng banyo. Patay ang mga ilaw. Agad na may nagpiring sa mga mata niya habang ang isa naman ay nagtatali sa kanyang kamay. May sumabunot sa kanya. “Bata huwag ka nang pumalag. Kung ayaw mo nang matapos ang buhay mo sa gabing ito..” boses ng isang pamilyar na boses. “Uhmmmm..” pilit na sigaw ni Dylan. “Tawagin niyo na si Boss. Handa na to..” sabi pa ng lalaki na nakapwesto sa likuran ni Dylan. “Sinong tatawag kay Boss, e hindi naman niya tayo inutusan na kunin yan e..” sabi ng lalaki na nasa gilid niya. “Bobo! Ako si Boss diba..” sabi ng lalaki.
Sinimulan na ng lalaki na halikan si Dylan sa leeg. “Putangina! Ang bango nito! Sariwang-sariwa!” saad ng lalaki.
SUSUNDAN..
©firemakerJD
No comments:
Post a Comment